Advertisers

Advertisers

House Speaker Romualdez ipinagmalaki ang accomplishment ng Kamara

0 213

Advertisers

Ipinagmalaki ni House Speaker Martin G. Romualdez ang record accomplishment ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa unang limang buwan ng sesyon ng 19th Congress.

Kabilang sa tinukoy nito ang pag-apruba sa Maharlika Investment Fund (MIF) upang palakasin ang pag-unlad ng ekonomiya at ang
pagpasa ng 19 na priority bill ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naglalayong magbigay ng mas magandang serbisyo publiko para sa mga mamamayang Pilipino.

Sa kanyang talumpati bago simulan ang Christmas recess ng Kongreso, sinabi ni Romualdez na si Pangulong Marcos, sa kanyang unang State of thebNation Address (SONA) noong Hulyo ay tinukoy ang 19 na prayoridad na hakbang para isaalang-alang at aprubahan ng 19th Congress.



“In just about five months, we have approved on third and final reading 10 of these measures. In addition, 37 other national bills
and 128 local bills were likewise approved on third and final reading,” sabi ni Romualdez.

“This Maharlika bill is our response to the need for a more efficient, steady and reliable growth of the nation’s coffers, using well-thought of investment gains that will ultimately redound to the benefit of the
Filipino people,” dagdag pa nito.

Binanggit pa ni Romualdez na ang mga pampublikong konsultasyon at malawak na deliberasyon sa mga ahensya at stakeholder ay isinagawa ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, Ways and Means, at habang nasa plenaryo, ilang interpellatorsbat maraming oras ng sesyon ang inilaan para sa mga debateng nagbibigay-kaalaman at mga manipestasyong tinalakay nang matagal ang saklaw at mga benepisyo ng iminungkahing panukala.

Sinasabing ang MIF bill na inihain ng 282 kongresista ay naniniwalang makakatulong sa ekonomiya ng bansa base na rin sa karanasan ng mga first world at developing economies.

Inihalimbawa pa nito ang Singapore’s Temasek Holdings Pte, na city-state’s biggest contributor sa national budget nito simula 2018, habang ang Indonesia ay naging modelo ng tagumpay sa sovereign wealth fund na nagamit sa malalaking infrastructure programs sa kabila ng limitadong financial sources dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.



“We view the proposed Maharlika Investment Fund Act as an effective vehicle to execute and sustain high-impact infrastructure projects, urban and rural development, agricultural support, and other programs
that would generate more income and economic activity in the country,” ani pa ng House Speaker.

“By gaining financial independence from global economic factors such as inflation and economic regression, we will build a business climate that will attract more companies to invest in the country, generatebjobs, support agricultural modernization, sustain social welfare programs, and achieve economic transformation,” pagtatapos ni Romualdez. (Cesar Barquilla)