Advertisers
Isang miyembro ng LGBTQ community ang pinaghahanap sa ginawang panghahalay sa 7 anyos na lalaking kamag-anak nito sa Dumangas, Iloilo.
Tinukoy ng Women and Protection Desk ng Dumangas Municipal Police Station (WPD-MPS) ang suspek na si alyas “Dagol.”
Sa report, lumabas na December 10 nang mangyari ang pang-aabuso.
Ayon sa ulat, mula sa isang lamay, dinala umano ng suspek ang bata sa isang lugar sa kanilang barangay at doon umano pinagsamantalahan.
Matapos nito, binigyan pa raw ng suspek ang biktima ng P100 at sinabihang na huwag itong magsusumbong.
Pero nagsumbong ang bata sa kaniyang mga magulang dala na rin ng sakit at traumang naranasan.
Ayon kay WCPO-Dumagas MPS assistant head Police Staff Sergeant Josebel Doromal, ini-report sa kanila ang reklamo noong gabi ng December 11.
Nang ipasuri sa duktor ang biktima, nakita ang palatandaan na inabuso ang bata.
Isinailalim pa sa ibang medical examination ang biktima at hihintayin pa ang resulta nito.
Inihahanda na ang isasampang reklamo laban sa suspek.