Advertisers

Advertisers

Angela walang selos, suportado ang mga utol

0 191

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MASAYA ang Raz sisters na sina Angela Morena, Stephanie Raz at Micaella Raz na pagkatapos na magsama sa pelikulang “Bata Pa si Sabel” ay muli na naman silang nagkaroon ng pagkakataong magkatrabaho sa upcoming Vivamax movie na “Panibugho.”
Dahil tungkol sa panibugho ang tema ng pelikula, natanong si Angela kung siya ba ang tipo ng taong selosa.
Ayon kay Angela na panganay sa magkakapatid, aminado raw siyang selosa.
Hirit pa niya, wala raw naman siyang masamang nakikita sa pagiging selosa dahil kasama lang ang pagseselos sa isang relasyon.
Ang masama lang daw ay kung nakakasakal na ang isang tao dahil sa pagiging mapanibughuin.
Gusto raw kasi niya na ang loyalty o fidelity niya sa lalakeng mamahalin ay susuklian din ng katapatan dahil hindi naman siya iyong tipo ng babaeng playgirl.
Kumbaga, wagas daw siyang magmahal.
Tungkol naman sa relasyon nilang magkakapatid, never daw siyang nagselos o nanibugho sa mga ito.
“Turo po kasi sa amin ng aming Tita Lara (Morena) na magmahalan kaming magkakapatid. Kaya bilang panganay, wala po iyong inggit sa aming magkakapatid. Kumbaga, suportahan po kami sa isa’t isa,” aniya.
“Noong nag-lead po si Mica sa “Bata Pa si Sabel”, nandoon po kami sa movie ni Steph para mag-support sa kanya. Kasi, para sa amin, ang success ng isa ay success po ng lahat,”dugtong niya.
Hirit pa niya, lagi rin daw na pinaaalahahanan sila ng kanilang tiyahin na maging propesyunal sa kanilang mga trabaho at sa mga taong nakakahalubilo nila sa set.
“Sinasabi po niya sa amin, to always keep grounded at huwag pong lalaki ang ulo at maging propesyunal sa mga katrabaho,” bulalas niya.
Sa “Panibugho” ginagampanan ni Angela ang papel ni Sonya, ang panganay sa magkakapatid na Paraiso na naatasang alagaan ang kanyang mga kapatid.
Sa pagdating isang estrangherong si Felipe sa kanilang buhay, (Kiko Estrada) magugulo ang kanilang relasyon
Mapapanood na sa Vivamax simula sa Enero 6, 2023, ang “Panibugho” ay mula sa direksyon ni Iar Arondaing at malikhaing produksyon ni Roman Perez, Jr..
Kasama rin sa cast sina Benz Sangalang at Soliman Cruz.