Advertisers

Advertisers

Tulong medikal ng CDA pinuri ni Bong Go… MALASAKIT SA KOOPERATIBA

0 294

Advertisers

Dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbubukas ng Cooperative Development Authority-Philippine Charity Sweepstakes Office Partnership Program on Medical Assistance for Cooperatives (PMAC) sa CDA Main Office sa Quezon City.

Bilang bahagi ng inisyatiba, ang mga miyembro ng micro at small cooperative na may mga isyu sa kalusugan ay makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa Charity Fund na itinatag sa pamamagitan ng PCSO.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Go ang CDA sa malasakit sa kalagayan ng mga kooperatiba bilang pagtupad sa mandato nito. Dagdag pa rito, hinimok niya silang ipagpatuloy ang pamimigay ng tulong sa mga hopeless at helpless.



“Ako po’y nagpapasalamat sa CDA sa inyong inisyatibo, itong Malasakit sa Kooperatiba,” aniya.

“Nakapapagod rin pero mas fulfilling po ‘pag nakakatulong ka sa iyong kapwa Pilipino lalung lalo na po ‘yung mga mahihirap, ‘yung mga walang matakbuhan, ‘yung mga helpless, ‘yung mga hopeless. Tulungan po natin sila,” dagdag niya.

Noong Marso 7, 2022, nilagdaan ng CDA at PCSO ang isang memorandum of agreement upang palakasin ang papel ng cooperative hospitals bilang mga kasosyo habang nag-aalok ng mga serbisyong medikal at kalusugan sa mga micro at small cooperatives.

Samantala, binigyang-diin ni Go na mayroon na ngayong 153 Malasakit Centers sa buong bansa, na nagpapadali sa pag-access sa mga programang tulong medikal at pinansyal na iniaalok ng gobyerno.

Ang Malasakit Centers ay host ng mga concerned government agencies na may mga programang nagbibigay ng tulong medikal sa mga pasyenteng Pilipino, partikular sa mga mahihirap. Kabilang sa mga ahensyang ito ang PCSO, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at ang Philippine Health Insurance Corporation.



Nilagdaan bilang batas noong Disyembre 2019, ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act, na pangunahing iniakda at itinaguyod ni Go sa kanyang unang ilang buwan bilang senador, ang nag-institutionalize ng Malasakit Centers program.

Sa pagsasabatas ng batas, lahat ng ospital na pinamamahalaan ng Department of Health sa buong bansa at Philippine General Hospital sa Maynila ay inatasang magtatag ng sarili nilang Malasakit Centers.

Ang mga ospital na pinamamahalaan ng mga local government units at iba pang pampublikong ospital ay maaari ring magtatag ng sarili nilang Malasakit Centers basta nakatutugon sa standard set of criteria at ginagarantiyahan ang pagkakaroon ng pondo para sa operasyon ng kanilang centers, kabilang ang kanilang maintenance, personnel at staff training, at iba pa. .

“Mayroon na ho tayong 153 na Malasakit Center sa buong Pilipinas. Batas na po ‘yan, isinulong ko noon, pinirmahan ni Pangulong Duterte,” ani Go.

“Nandiriyan na po sa loob ng ospital ‘yung PhilHealth, PCSO, DOH, at DSWD. Mag-aambag-ambag sila para tumulong po sa mga pasyente. Para po ‘yan sa mga poor and indigent patients, para po ‘yan sa inyo. Inyo po ‘yan, karapatan n’yo po ‘yan,” idinagdag niya.

Sa nasabing, pinuri rin ni Go ang kanyang kapwa senador na si Senate President Juan Miguel Zubiri, sa pag-akda ng RA 11364, o ang Cooperative Development Authority Charter of 2019, na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inayos ng batas ang CDA upang may magkaroon ng kakayahan na isulong ang cooperativism.