Advertisers
Arestado ang magpinsang nagtutulak ng iligal na droga sa isang buy-bust operation sa Barangay NBBS Dagat-dagatan, Navotas City Sabado ng gabi.
Ikinasa ng drug enforcement unit ng Navotas City Police Station ang naturang operasyon 9:30 ng gabi laban sa mga suspek na parehong taga-Caloocan City.
Nasabat umano mula sa kanila ang 58 gramo ng shabu na may tinatayang halagang aabot sa P390,000.
Inamin umano ng mga suspek ang akusasyon sa kanila at sinabing dala ng kahirapan ang dahilan ng kanilang pagtutulak.
Nasa kustodiya na ng PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.