Advertisers
Inanunsyo ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na nakahanda na sila para sa inaasahang pagdasa ng mga motorista ngayong parating na holiday rush.
Ayon sa MPT South, inaasahan nilang nasa 10-15% ang itataas ng bilang ng mga motoristang babaybay sa kahabaan ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at CAVITEX C5 LInk, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
Gaya ng mga nakaraang taon, muling ipapatupad ng MPT South ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko’ motorist assistance program na isinasagawa nito tuwing holiday peak seasons sa kanilang mga expressway. Para sa CAVITEX at C5 Link, ito ay isasagawa katuwang ang joint-venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) sa pamamagitan ng operating subsidiary nito na PEA Tollways Corporation (PEATC). Simula 6AM ng Disyembre 23 hanggang 6AM ng Disyembre 26, 2022 at 6AM ng Enero 1, 2023 hanggang Enero 6, 2023, magkakaroon ng libreng towing para sa mga masisiraang Class 1 vehicles tungo sa pinakamalapit na exit. Bukod sa 24/7 customer service, magdadgdag din ng mga karagdagang on-ground personnel gaya ng RFID lane assist, ambulant tellers sa cash lane, at mga traffic personnel. Nakastandby rin ang 24/7 emergency medical services at incident response team sa parehong expressway. Dagdag ng kompanya, pansamantalang ihihinto ang mga konstruksyon sa main line ng CAVITEX at CALAX, maliban na lang sa mga emergency road repairs.
Ngayong kapaskuhan, mamimigay rin ang MPT South ng aginaldo para sa mga motorista nito sa pamamagitan ng MPTC-wide raffle promo na ‘Download, Drive and Win’. Ang promo ay bukas para sa lahat ng individidual prepaid Class 1, 2, and 3 expressway users ng CAVITEX, CAVITEX C5 Link, CALAX, NLEX, SCTEX at CCLEX. Para makasali, kailangan lang idownload ng mga motorista ang MPT DriveHub app. Pagkatapos, upang makakuha ng puntos na katumbas ng raffle entry, kinakailangan lamang magreload gamit ang app, o mag-refer ng kakilala upang magdownload at gamitin ang MPT DriveHub app.
Dalawang maswerteng mananalo ang makakakuha ng brandd-new MG ZS, at sampu naman ang mananalo ng Php 100,000. Para sa kabuang mechanics, maaaring bumisita sa: https://www.mptdrivehub.com.ph/drivehub-ddw. Promo runs from November 11, 2022, to January 31, 2023.Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-155137 Series of 2022.
“Patuloy ang aming paniniguro na ligtas at maayos ang daraanan ng ating mga motorista buong taon, at kami ay nagpapasalamat sa kanilang pagtangkilik sa aming mga expressways. Sa raffle promong ‘Download, Drive, and Win’, nais naming makapagdagdag ng saya sa kanila ngayong yuletide season. Hangad rin namin na sa tulong nito, ay ma-enganyo silang siguruhin na may sapat silang balanse sa kanilang RFID kapag babyahe dahil mas pinadali na ang pag-reload at monitor ng kanilang load balance gamit ang MPT DriveHub App” ani MPT South President at General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.
Sa tulong ng MPT DriveHub app, mamomonitor ng mga motorista ang kanilang balanse at trasaksyon. Gayundin, maari silang magkalkula ng toll fee at magmonitor ng traffic condition sa mga MPTC toll roads. Maari din itong gamitin upang magbigay ng feedback o humingi ng roadside assitance.
Bukod sa Cavitex, CAVITEX C5 Link at CALAX, hawak rin ng MPTC rin ang pamamalakad sa North-Luzon Expressway (NLEX), Subic-CLark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.