Advertisers

Advertisers

2 ILIGAL NA DAYUHAN NASAKOTE NG BI INTEL

0 123

Advertisers

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng dalawang iligal na dayuhan sa Metro Manila, ang dalawa ay kapwa ipapatapon pabalik ng kanilang bansa dahil sa paglabag sa immigration laws ng Pilipinas.

Mula sa ulat ng BI intelligence division na pinamumunuan ni Jun Manahan, Immigration Commissioner Norman Tangsinco kinilala ang dalawang dayuhan na sina Nigerian national Ikechukwu John Shedrack, 37, at Korean Dae Heom Kwon, 31.

Si Shedrack ay naaresto noong Dec. 12 sa labas ng Hall of Justice bldg. sa Mandaluyong City kung saan dumalo ito sa isang court hearing kaugnay ng kasong kinasasangkutan nito, habang si Kwon naman ay nasakote nang sumunod na araw sa loob ng bar sa Kamias Rd., Quezon City.



Ayon kay Manahan, si Shedrack ay isa umanong overstaying alien at gumagamit ng iba’t-ibang alyas upang itago ang totoong pagkakakilanlan.

Si Kwon, sa kabilang banda ay isa ring overstaying alien na naaresto noong Dec. 13, at subject ng summary deportation order na inilabas ng BI board of commissioners.

Ang dalawang dayuhan ay kapwa nakapiit ngayon sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng kanilang deportation.

Sinabi naman ni Tansingco na ang dalawang dayuhan ay ilalagay sa immigration blacklist at ‘di na papayagang makapasok ng Pilipinas. (JERRY S. TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">