Advertisers

Advertisers

‘COVID is still here, magpabakuna, magpa-booster po tayo’ – MAYOR HONEY

0 197

Advertisers

“MAY COVID pa rin po”.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna kasabay ng paalala niya sa mga residente ng lungsod na hindi pa nagpapabakuna ng primary shots at nagpapabooster na magpaturok na.

Pinaalalahanan din ni Lacuna ang lahat ng Manileño na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health protocols lalo’t kabilaan ang nagaganap na party ngayon dahil panahon ng Kapaskuhan.



Ang panawagan ay ginawa ni Lacuna matapos ang COVID update kamakailan na may mga indibidwal pa na nahahawahan ng impeksyon.

Ang alkalde ay partikular na nalungkot sa ulat na may mga COVID-related death pa rin: “May pumanaw sa impeksyon. Dapat po talaga wala nang ganito eh. Meron pa rin tayong available vaccines kundi pa kayo nababakunahan o nagpapa-booster Vaccination is still the solution against COVID-19.”

Para naman sa mga nabakunahan at naturukan ng booster, sinabi ni Lacuna na maging maingat pa rin at laging sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks sa mga lugar kung saan ang transmisyon ng virus ay posible at imposible ang physical distancing.

“Patuloy tayong mag-ingat dahil may mga nagkakaroon pa rin ng COVID. Di natin maaring sabihin na porke’t bakunado ay ligtas na against COVID dahil marami kaming kakilala nakaka-tatlo na, nagkakaroon pa rin,” dagdag ni Lacuna.

Binigyang diin ni Lacuna na dahil maraming tao pa rin ang nahahawa ng COVID, lumilitaw lang na nasa paligid lamang ang COVID.



“Ibig lang sabihin nito na di pa rin tayo ligtas, ke nagkaron dati o ngayon pa lang, COVID is still here to stay, lalo na ngayong Kapaskuhan na madami nang tao sa labas at ang pagsusuot ng face masks ke indoor o outdoor, ay pareho nang boluntaryo,” pahayag pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)