Advertisers
Tinatayang nasa P20 milyon halaga ng mga ismagel na sibuyas na nagmula sa bansang China ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa Mindanao Container Terminal Port sa Misamis Oriental nitong araw ng Miyerkules.
Ayon sa BOC, ang dalawang container na naglalaman ng 50,000 kilo ng mga sibuyas kung saan idineklara itong mga tinapay at iba’t ibang klase ng pastries mula China ay dumating sa Cagayan de Oro City nitong Disyembre 6, 2022.
“Onions are being sold at higher prices in our local markets. This should not have been a predicament for an agricultural country like us. The more empowered these people feel about smuggling these products, the more our economy will suffer. So, we cannot let that happen because the people will be the most affected,” ani Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.
Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) director Jeoffrey Tacio, nakatanggap sila ng intelligence information tungkol sa mga container na dadaan sa MCT port na naglalaman ng mga smuggled na sibuyas.
Dahil dito, agad na nag-isyu ng Pre-Lodgement Control Order si Port of Cagayan de Oro District Collector Alexandra Lumontad laban sa nasabing kargamento.