Advertisers

Advertisers

Back to weightlifting gym… HOLIDAY TRAINING PA RIN SI HIDILYN

0 136

Advertisers

DUMATING na sa bansa si Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz isang linggo matapos ang matagumpay niyang kampanya sa nakaraang world championship sa Colombia.

Ang bagong world weightlifting gold medalist ay malugod na sinalubong ni Philippine Sports Commission commissioner Bong Coo at malalpit niyang kapamilya at kaibigan.



“ In behalf of the Filipino people,we profusely thank Hidilyn who continuously make our country proud.. and she has no plans of slowing down..she bows to carry the Philippine flag in Paris,” pahayag ni Coo.

Wala namang holiday para kay Hidilyn dahil balik- ensayo agad siya sa San Juan Gym at sa Disyembre 23 ay tutungo siya sa Jalajala,Rizal upang mag-train sa mga batang lifters doon.

Kinumpirma rin ni Diaz na sasabak siya sa Paris Olympics sa mas mataas na kategoryang 59 kgs.

Ang team Diaz ay magsisimulang magpakundisyon para sa mas mataas na weight division.

“Mahirap pero kaya,basta naka- mindset na ako for that, pinanood ko iyong 59 kgs na labanan sa Colombia at nakita namin na kakayanin”,sambit ni Hidilyn. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">