Advertisers

Advertisers

CCTV sa bawat presinto at bilangguan

0 132

Advertisers

TAMA itong isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na gawing mandatory ang pagkaroon ng CCTV ng bawat prisinto ng pulisya pati ang custodial facility nito.

Ito’y upang ma-monitor ang ginagawa ng mga pulis pati ang kalagayan ng mga bilanggo.

Magsisilbi rin itong proteksyon sa mga pulis kapag sila’y naaakusahan ng pang-aabuso, gayundin sa mga bilanggo na naaabuso.



Dapat nga hindi na ang Senado ang gagawa ng hakbang na ito. Dapat ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang magpatupad nito sa Philippine National Police (PNP). Say mo, DILG Secretary Benhur Abalos, Sir!?

Teka, ano na nga pala ang nangyari sa PNP bodycameras na binadyetan ng daan daang milyong piso, P288-million to be exact, during Duterte administration? Bakit parang wala naman tayong nakikita na ginagamit ito ng mga pulis sa kanilang mga anti-drugs operation? Na-procure ba ito ng PNP o naibulsa lang ang napakalaking pondong iyon? O kung nabili man ay ayaw lang gamitin ng mga operatiba dahil mabubuking ang kanilang mga kalokohan tulad ng pagtanim ng ebidensiya? Just asking!

Again, wish nating maging batas ang isinusulong na mandatory CCTVs sa lahat ng police stations at mga bilangguan. Let’s do it, mga bosing!

***

Inanunsyo kamakailan ng Korte Suprema na uunahin nilang resolbahin ang petition laban sa Non Contact Apprehension Policy (NCAP) at Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).



Itong NCAP, ang kumita lang dito ay ang private company na pag-aari raw ng dating opisyal ng Department of Transportation (DoTR).

Napakaliit na porsiyento lang ang napupunta dito sa local government unit (LGU).

At walang kalaban-laban ang mga motorista na nakukunan ng video sa umano’y violation nito. Basta nalang silang makakatanggap ng tiket ng paglabag sa trapiko. Ang masaklap pa rito ay bibilang ng buwan bago ka padalhan o matanggap ang tiket kungsaan malaki na ang penalty.

Sana nga’y maresolba na ng Korte Suprema ang pang-aabuso sa NCAP. Sana maibalik sa mga motorista ang mga naging multa. ‘Wag na sanang ibalik ang operasyon nito, Justices pls…

Dito naman sa BSKE na palaging napo-postpone, sana matuldukan na ito ng kataas-taasang hukuman.

Mantakin mo simula 2016, apat na beses nang na-postpone ang village election. Overstaying na ang mga opisyal, mas mahaba pa sa Presidente ang pananatili nila sa puwesto. Yung mga SK nagsipag-asawa na, hindi na mahahanay sa kabataan dahil mga tatay na!

This January sana’y madesisyunan na ng Korte Suprema ang problemang ito sa NCAP at BSKE.

***

Kaugnay parin sa BSKE, nanawagan ang Comission on Elections sa mga hindi pa rehistrado na samantalahin ang pagpaparehistro ngayong holiday season.

Ang regisration ay magsisimula uli sa huling linggo ng Disyembre hanggang Enero 31.

Sabi ng Comelec, sakaling paboran ng Korte Suprema ang petition laban sa postponement ng BSKE ay nakahanda silang magsagawa ng eleksyon, bigyan lang sila ng dalawa hanggang tatlong buwan na preparasyon mula sa araw ng paglabas ng desisyon.

So, mga kabataan na ‘di pa rehistrado at gusto nang mag-participate sa BSKE, magparehistro na kayo habang walang pasok sa eskuela. Go!, maging responsible citizen ng Pilipinas!