Advertisers

Advertisers

ANTI CRIME/ DRUG CRUSADERS NANAWAGAN KAY PBBM PARA LANSAGIN ANG SINDIKATO NG MGA SUGAL AT DROGA SA REGION 4A

0 673

Advertisers

ANG ‘di matanggihang kaway ng protection money ng mga gambling at drug lord sa Region 4A sa PNP, NBI at iba pang law enforcement units ang nagbubulid sa korapsyon, ‘di lamang sa mga alagad ng batas kundi maging sa national, provincial, local hanggang barangay official level na dapat na paaksyunan din ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rodolfo Azurin Jr.

Ayon sa anti-crime and drug watch, kasama ring dapat buwagin nina Sec. Abalos at PDG Azurin Jr. ang grupo ng kung tagurian ay mga “kapustahan” (tong kolektor) nina code-name RC at iba pang opisyales na karamiha’y mga aktibo, retiradong pulis o militar at barangay official.

Kinilala ng anti-crime and drug watch ang mga tinatawag na kapustahan (tong kolektor) ang ilan sa mga “kapustahan” sa CALABARZON area ng ilang bugok na PNP officials, NBI at iba pang awtoridad na sina Timmy alias Charlie na isa ring STL bookies at sakla operator, alias Major Seno, Sgt. De Guzman na may mga aliases na Digoy at Allan, Sgt Corpuz alias Butch, Sgt. Uchin, Sgt. Marcial, Kap. Ambo at Sgt. Adlawan.



Si alias Sgt. Adlawan ay nagmamay-ari ng isang napakalaking farm na naglalaman ng may 2,000 fighting cock na inerereklamo ng mga residente sa isang subdivision na kinatitirikan nito sa Sto Tomas City, Batangas. Walang lihitimo at ligal na hanapbuhay si Sgt. Adlawan, ngunit buhay milyonaryo ito sa laki ng nakakaparte mula sa nakokolektang “tong” ng ipinangingikil nitong ilang PNP at NBI official.

Binanatan din ng anti-crime and drug watch group ang ‘di maputol na operasyon ng paihi o petroleum pilferage sa mga lungsod ng Lipa ng isang alias Kap Dan, Glen sa bayan ng Lemery, Hiwatig at Lito sa bayan ng Tuy na may ino-operate ding burikian sa Candelaria, Quezon. Ang “kapustahan” na sina Sgt. De Guzman aka Digoy at Allan at Sgt Adlawan na umaakto namang kolektor ng CIDG sa buong CALABARZON area ang lingguhang dumadampot ng tong sa Batangas.

Isiniwalat nila na pasok sa “kapustahan” ang mga operator ng nasabing burikian at ang pinaka-malaking operasyon ng STL con-jueteng o bookies at saklaan sa rehiyon ng magkasosyong Tisoy at Nonit sa bayan ng Padre Garcia, mga maintainers ng STL mga STL bookies sa Tanauan City, saklaan at pergalan sa Lipa City, at Rosario, pawang sa Batangas.

May mini casino din sa may palengke ng bayan ng Lian na may lingguhang protection money na hatag kina alias Sgt. De Guzman at Sgt. Adlawan.

May tara din ang dalawa pati na ang ilang miyembro ng PNP-CHPG sa mga operator cargo truck na ginagawang garahe at parking area ang kahabaan ng kalsada mula sa Brgy. Bolbok hanggang sa makalagpas ng opisina ng PPA, Port zone sa Brgy. Sta Clara, Batangas City. Nagsisilbing kolektor ng tong mula sa mga truck operator at driver ang ilang private security guard na nakatalaga doon.



Libu-libong kolurom passenger van driver at operator ang kinokolektahan din nila ng suhol mula sa mga nagkalalat na illegal terminal sa compound mismo ng Batangas City Port, harap ng Pure Gold, Batangas City Proper, SM parking area sa Lipa City, Tanauan City, Sto Tomas City, Calaca City, mga bayan ng Bauan, Lemery, Nasugbu at marami pang munisipalidad sa Batangas. (Cris Ibon)