Advertisers

Advertisers

MMFF entries nina Vice Ganda at Coco, kapwa nangitlog sa Awards Night

0 174

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

NAGING matagum pay ang ginawang Gabi ng Parangal ng MMFF (Metro Manila Film Festival) 2022 kamakalawa ng gabi na ginanap sa New Frontier in Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Tulad nuong mga nakaraang taon, siyempre marami ang nag-expect na makapag-uuwi ng trophy, pero isa lang ang dapat na tanghalin at tawaging magaling.
Tinalo ni Nadine Lustre ang lahat ng nominado as Best Actress, kung saan siya ang itinanghal ng gabi iyon sa pelikulang “Deleter”, Best Actress in a leading role.
Napunta naman kay Ian Veneracion ang Best Actor in a leading role sa pelikulang “Nanahimik ang Gabi.”
Nanalo si Dimples Romana as Best Supporting Actress sa entry nitong “My Father, Myself. Ganu’n din si Mon Confiado na tinanghal na Best Supporting Actor sa pelikulang “Nanahimik ang Gabi ”
Hindi naman inaasahan ng marami na mapunta kay Mikhail Red ang Best Director sa movie na “Deleter”. Siyempre, kung sino ang nagwagi sa Best Director siya rin ang mananalo as Best Picture.
Second Best Picture naman ang pelikula ng Borracho Films na “Mamasapano”, 3rd Best Picture ang “Nanahimik ang Gabi.”
Bukod sa itinanghal na Best Actress at Best Actor sina Nadine and Ian V., tinanghal din silang “Phoenix Male and Female Star of the Night.
Tinanggap naman ni Miss Vilma Santos ang special award from Marichu Vera-Perez Maceda Memorial.
Napunta naman sa pelikulang “Family Matters” ang Gatpuno Antonio J. Villegas.
Ibinigay ang Fernando Poe Jr. Memorial award sa “Mamasapano” at napunta rin sa kanila ang Best Original Themesong, “Aking Mahal” mula kina Atty. Ferdinand Topacio and Tita Cristy Fermin.
Halos 17 categories awards ang ibinigay ng MMFF, 7 (Seven) ang napunta sa “Deleter”, 5 (five) ang nakuha ng “Nanahimik ang Gabi”, 2 (two) ang “My Father, Myself, 3 (three) naman ang “Mamasapano”, 1 (one) ang “My Teacher”. Zero ang “Partners in Crime” nina Vice Ganda and Ivana Alawi, ganun din ang kina Coco Martin and Jodi Sta. Maria, “Labyu with an Accent”.
Siyempre, depensa ng dalawang kampo na ang awards sa amin ay ang box office…Abaw ah!!!
***
KATATAPOS lang ng Pasko kaya medyo walang masyadong issue sa ShowbizWorld dahil sa mahal ang bilihin kaya doon naka-concentrate ang masang Pilipino.
Ganu’n pa man, kahit anong hirap sa buhay ng Pinoy, nasa isip pa rin nila ang magsaya kaya naman ubod ng traffic sa kalsada at hindi alintana ang pagbagsak ng ekonomiya.
Nakapila pa rin sila sa mga malls at siyempre sa mga commercial theater para mapanood ang entries ng MMFF.
Makikita pa rin ang mga bata na namamasko sa kanilang mga ninong at ninang, kasi naman halos dalawang taon tayo kinulong ng China Virus or mas kilala sa Covid19.
Kabi-kabila ang mga Christmas party ng pribado at government employees, masasabi talagang bumalik na sa New Normal ang bansa. Sana mag tuluy-tuloy na ito para gumaan ang buhay ng mga Pinoy.
Bukod dun, hindi rin nakakalimot mag-share ng blessings ang mga nakaluluwag. Kaya gusto kong pasalamatan sina Boss Joey and Madam Leny Venancio, tita Zenie Dayanghirang, MediaXchange headed by Miss Peachy Guioguio and TV5, Cignal, Wilson Dee ng Hammer Head, Mr. Jojie Dingcong, Mama Fely Dela Cruz, ang Estrella family na sina Anastacia, Lota, Marlene, Jhun, ka Lino, Dims Ignacio of Singapore, Dulce de Guzman, Henry and Letlet Cocabo, ate Nene Ulanday, Neneng Putot Gensoli, mga kasamahan ko sa jogging in Golden Valley, mga kasama ko sa TEAM-Entertainment Arts and Media, at sa mabait kong Editor, mga kasamahan sa panulat, siyempre sa mga kasamahan ko sa SNN-Showbiz Now Na family at sa nag-iisang Nanay ng ShowbizLandia, Tita Cristy Fermin. Maraming salamat sa inyong Pamaskong handog….Abaw ah!!!