Advertisers

Advertisers

NCRPO ‘KASADO’ NA SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON 2023

0 154

Advertisers

BILANG paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon, ipagpapatuloy ng National Capital Region Police Office ang maximized deployment para sa Ligtas Paskuhan 2022 na may 1,369 na pulis na mahigpit na magpapatupad ng mga umiiral na alituntunin at regulasyon na may kinalaman sa paputok.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen Jonnel C. Estomo, inatasan nito ang lahat ng District Directors ng kapulisan sa NCR na ipatupad ang Executive Order (EO) 28 at Republic Act (RA) 7183 na kumokontrol sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic device kung saan dapat malaman ng publiko na maging responsable at sumunod sa itinalagang firecracker display zone at community display area para sa kaligtasan ng lahat.

Ang isang strategic deployment ng mga tauhan ng PNP ay ipakakalat upang matiyak ang mga lugar ng convergence gayundin upang subaybayan ang mga itinalagang firecracker zones.



“Taun-taon pong pinapaalala ng pulisya sa ating mga kababayan ang pag-iingat at pagsunod sa mga batas sa pagpapaputok at pagpapailaw. Laging po nating tatandaan na pinakamasaya pa rin ang pagsalubong sa parating na bagong taon kung ligtas at maayos ang kalagayan ng ating sarili, mga mahal sa buhay at mga taong nakapaligid sa atin” ani Estomo

Gayundin, alinsunod sa patnubay ni Philippine National Police (PNP) Chief PGEN Rodolfo S. Azurin Jr, na sugpuin ang mga iligal na paputok na nakapipinsala sa mga tao, makikipag-ugnayan din ang NCRPO sa mga lokal na barangay at tagapangasiwa ng kapayapaan na tiyakin ang wastong pagpapatupad ng kautusan at panghuhuli ng mga violators na lumalabag sa batas.

Nanawagan din si Estomo sa lahat ng may-ari ng baril na maging responsable at iwasan ang kapabayaan at pagbalewala sa mga pamantayan sa kaligtasan at walang pinipiling pagpapaputok upang pangalagaan ang mga inosenteng buhay na sumasalubong sa taong 2023.

Nauna rito, binalaan ni Estomo ang lahat ng tauhan ng NCRPO na huwag gumamit ng kanilang inisyu na baril sa pagsalubong ng bagong taon. Sa oras na mapatunayan na lumabag sila dito ay mahaharap sila sa mahigpit na parusa.

Ang mga tauhan ng PNP ay mapagkakatiwalaan at pinagkakatiwalaan ni Azurin kaya sa pamamagitan ng hindi paglagay ng ‘tape’ sa kanilang inilalabas na baril ay isang palatandaan na may disiplina ang lahat ng kapulisan sa ating bansa. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">