Advertisers
NAISALPAK ni Kyrie Irving ang 15 sa kanyang 28 points sa ikaapat na yugto, habang umiskor si Kevin Durant ng 26 points at season-high na 16 rebounds upang pamunuan ang opensiba ng Brooklyn Nets sa 108-107 pag-eskapo sa Hawks.
Ito ang ika-10 sunod na tagumpay ng Brooklyn para sa kanilang 23-12 record kasama ang pagwawagi sa 14 sa huli nilang 15 laro.
Naglaro naman ang Atlanta (17-18) na wala sina leading scorer Trae Young, leading rebounder Clint Capela at starting forward De’Andre Hunter.
Nagtala si Dejounte Murray ng 24 points at may 21 markers si John Collins para sa Hawks na iniwanan ng Nets sa 93-82 mula sa inihagis na 17-3 bomba.
Sa Chicago, nagpasabog si DeMar DeRozan ng 42 points at bumangon ang Bulls (15-19) mula sa isang 15-point deficit sa fourth quarter para talunin si Giannis Antetokounmpo at ang Milwaukee Bucks (22-12) via overtime, 119-113.
Sa Sacramento, kumonekta ni Malik Monk ng 33 points, kasama ang tiebreaking free throw sa huling 0.7 segundo, para igiya ang Kings (18-15) sa 127-126 pagtakas sa Denver Nuggets (22-12).
Sa San Francisco, kumamada si Jordan Poole ng 26 points para akayin ang nagdedepensang Golden State Warriors (18-18) sa 112-107 pagsapaw sa Utah Jazz (19-18).