Advertisers

Advertisers

Dave Ildefonso maglalaro sa Korea

0 135

Advertisers

OPISYAL na ipinakilala ng Suwon KT Sonicboom Linggo si Dave Ildefonso na kanilang Asian Quota Player para sa 2022-23 season ng Korean Basketball League (KBL).

Si Ildefonso ay sumanib sa KBL side matapos tulungan ang Ateneo Blue Eagles na masungkit ang UAAP Season 85 men’s basketball championship. Naging miyembro rin siya ng Mythical Team sa kanyang final collegiate campaign.

Sinabi ng second-generation basketball star sa panayam ng CNN philippines na lumagda siya sa KT Sonicboom ng one and half seasons.



“My dream was always to have been… to be able to play internationally. Now that I have this opportunity, of course I’m gonna take it,” Wika ni Ildefonso.

Si Ildefonso ay nag paraktis na sa KT bago ang kanyang opisyal announcement. Ang kanyang bagong team ay may 13-15 rekord sa season ay nakasakay sa six-game winning streak.

Makakasama ni Ildefonso sina SJ Belangel, Rhenz Abando, RJ Abarrientos, Justine Gutang, at Ethan Alvano na Filipino imports sa KBL.