Advertisers

Advertisers

LaVine pumukol ng 11 triples, sa panalo ng Bulls vs 76ers

0 143

Advertisers

IBINAON ni Zach LaVine ang 11 sa kanyang 13 triples at tumapos nang 41 points upang pamunuan ang opensiba ng Chicago Bulls sa 126-112 paggupo sa 76ers.

Ang tatlong tres ni LaVine sa loob ng isa at kalahating minuto ang nagbigay sa Chicago (18-21) ng 88-74 abante sa Philadelphia (23-15) sa huling 3:33 minuto ng third quarter.

Nagrehistro si center Nikola Vucevic ng triple-double na 19 points, 18 rebounds at 10 assists para sa Bulls na tumipa ng 20-of-34 shooting sa 3-point range.



Umiskor naman si Tyrese Maxey ng 26 points para sa 76ers na naglaro na wala si Joel Embiid (left foot soreness) at nakahugot kay Tobias Harris, ng 22 markers.

Sa Minneapolis, humakot si Rudy Gobert ng 25 points at 21 rebounds at may 25 markers si D’Angelo Russell sa 128-115 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (19-21) sa Los Angeles Clippers (21-20).

Sa Milwaukee, tumipa si guard Terry Rozier ng season-high na 39 points at dinuplika ng Charlotte Hornets (11-29) ang NBA record na 51 points sa first quarter sa kanilang 138-109 paggupo sa Bucks (25-14).

Sa Denver, kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 28 points, 15 rebounds at 10 assists sa 121-108 paggiba ng Nuggets (26-13) sa Cleveland Cavaliers (25-15).

Sa New Orleans, tumipa si Kevin Durant ng 33 points at may 19 markers si Kyrie Irving sa 108-102 panalo ng Brooklyn Nets (26-13) sa Pelicans (24-15).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">