Advertisers

Advertisers

DoJ Sec. Remulla, iginiit na ‘di nakialam sa pagkakaabsuwelto ng anak sa droga

0 132

Advertisers

Muling iginiit ni Department of Justice (DoJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ito nakialam sa pagkakaabsuwelto ng anak nitong si Juanito Remulla sa possession of illegal drug.

Ayon sa kalihim ng Justice department, naniniwala raw at tiwala ito sa proseso ng katarungan sa bansa.

Hiling din ng kalihim sa anak na magkaroon ng redemption at karapatan daw nitong ipalagay na siya ay inosente hanggat hindi pa napapatunayan ang kanyang conviction sa korte.



Una rito, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pinag-aaralan ng mga ito kung bakit inabswelto ng Las Piñas Regional Trial Court si Juanito Jose Remulla III na panganay na anak ng Justice Secretary.

Ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ang umaresto sa nakababatang Remulla sa isang controlled delivery operation sa Talon Dos, Las Piñas City noong Oktubre 11 ng nakalipas na taon.

Nakuha mula sa operasyon ang isang parcel na naglalaman ng P1.3 milyong halaga ng kush o high-grade marijuana.

Sa kabila nito, inihayag naman ng Philippine Drug Enforcement Agency na lubos ang kanilang respeto sa naging desisyon ng korte subalit kanilang maingat na pag-aaralan ang mga dahilan sa likod ng pagpapawalang-sala kay Remulla kasabay ng patuloy na pagsusumikap sa pagsasagawa ng mga katulad na operasyon laban sa iligal na droga sa hinaharap.

Una rito, inabsuwelto ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 197 si Juanito Remulla at sianbing walang malinaw na ebidensya na mayroon siyang malaya, kamalayan, at may buong kaalaman sa possession ng nakumpiskang ilegal na droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">