Advertisers

Advertisers

Mga restored na pelikula ni Sharon, hit films nina Richard at Liza mapapanood din PIOLO PASCUAL, MAGPAPAKILIG SA CINEMA ONE NGAYONG ENERO

0 211

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

TAMPOK sa Cinema One ngayong Bagong Taon ang mga pelikula ng Kapamilya fave leading man Piolo Pascual na siguradong maghahatid ng kilig sa mga manonood.
Pagkatapos niyang magpa-ibig sa pelikulang “Till There Was You” kasama si Judy Ann Santos noong Linggo (Ene. 1), iba-ibang kwento ng pag-ibig ang hatid niya sa mga pelikulang “Milan” kasama si Claudine Barretto (Ene. 8 ), “Starting Over Again” kasama si Toni Gonzaga (Ene. 15), “Love Me Again” kasama si Angel Locsin (Ene. 22), at “The Breakup Playlist” (Ene. 29) kasama si Sarah Geronimo sa Romance Central block na mapapanood tuwing Linggo, 5 pm.
Bibida naman sa Restored Cinema block ang ilan sa mga ‘di malilimutang pelikula ni Megastar Sharon Cuneta tulad ng “BFF: Best Friends Forever” (Ene. 1), “Minsan, Minahal Kita” (Ene. 8 ), “Caregiver” (Ene. 15), “Madrasta” (Ene. 22), at “Kung Ako Na Lang Sana” (Ene. 29) na eere tuwing Linggo, 9pm.
Mapa-horror, comedy, o romance sagot ni “Iron Heart” lead star Richard Gutierrez ang inyong movie cravings. Matakot, matawa, at kiligin sa mga pelikula tulad ng “Sigaw” (Ene. 16), “Fantastica” (Ene. 17), “For The First Time” (Ene. 18), “Unbreakable” (Ene. 19), at “Mano Po 5: Gua Ai Di” (Ene. 20), Lunes hanggang Biyernes, 5 pm.
Swak naman pang movie marathon ang ilang pelikulang pinagbidahan ni Liza Soberano gaya ng “Alone/Together” (Ene. 16), “She’s The One” (Ene. 17), “Everyday I Love You” (Ene. 18), “Just The Way You Are” (Ene. 19), at “My Ex and Whys” (Ene. 20) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
***
SAMANTALA, sa Daig Kayo Ng Lola Ko TV series of Kapuso Nmetwork tuwing Linggo ng gabi sa bago nitong oras na 6:15pm ay may mga wish nga ba na hindi natutupad?
Tanong ng viewers nitey, may pag-asa pa ba na magkaroon ng sariling pamilya si Sanya Lopez? Ooops, don’t get them wrong coz ang tanong na ito ay para sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong January 8, 2023. Kailangan nang bumalik ni Sanya as Honey sa Northpole. Kaya lang ang problema may feelings na ang elf ni Santa sa taxi driver na si Paul played by Gabby Concepcion. Tutukan na ang finale ng Old By My Elf sa Daig Kayo Ng Lola Ko with the whole family.