Advertisers

Advertisers

PBA Game 5: Ginebra dikit sa korona!

0 135

Advertisers

Laro sa Miyerkules
Araneta Colesium
(5:45pm) Ginebra vs. Bay Area

MASIGABONG tinubos ng Barangay Ginebra ang kanilang kabiguan sa Game 4 at abutin ang ituktok ng korona ng PBA Commissioner’s Cup sa bisa ng 101-91 win laban sa baldado ngunit mabangis na sumisingasing na Bay Area team sa pronta ng may 21,823 crowd sa MOA Arena Linggo.

Inilatag ni Justin Brownlee ang kanyang mga nakagawian atake at ibayong pasabog ni Stanley Pringle para gampanan ang trabahong nakaatang para sa injury-hit na si LA Tenorio nang muling bumangga ang Kings sa Dragons at hinablot ang pivotal 3-2 lead sa best-of-seven title playoff .



Istambay ng dalawang araw ang dalawang protagonista bago muling magsagupa sa Miyerkules sa parehong venue sa Pasay City, kung saan ang Kings ay nakipaglaro sa una sa dalawang bitak sa pagtatapos ng hinahangad na korona.

Tumatak sa isipan ang leksyon buhat sa 94-86 pagkadapa sa Game 4, sinabi ni Brownlee na mas gugustuhin nilang manatiling nakatutok sa trabahong nasa kamay anuman at kung sino man ang ilagay ng Dragons sa Game 6.

Wala na si Andrew Nicholson mula noong Game 4, ang Dragons ay naging mas maikli ang kamay minus Glen Yang sa Game 5.

“We’re surprised Glen would not play, and that was a bonus for us, knowing Nicholson is out. Glen is a good point guard,” sambit ni Ginebra coach Tim Cone, pero hindi inaalis ang kredito mula sa kanyang mga alipores.

“Last time, we didn’t have a direction on who to defend as we’re prepared for Nicholson. Today was different as we had a scheme for Kobey Lam and we had a scheme for big Liu,” punto ni Cone. (Louis Pangilinan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">