Advertisers
Si LeBron James basta’t nanatiling major injury-free ngayong season ay tiyak na malalagpasan si Kareen Abdul-Jabbar sa all-time scoring na talaan. Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay kailangan na lang niya ng 399 na puntos upang maging bagong lider sa listahan ng mga scorer sa kasaysayan ng NBA. Inaasahan na magagawa niya ito sa loob lang ng 16 na laro kung mamaintain niya ang average na 25 kada game. Malamang sa Febrero o Marso mangyari yan lalo’t may pahinga o minor na pilay.
Pero teka mukhang kakayanin pa din niyang umangat sa listahan ng assist at steal sa taong ito.
Sa ngayon pang-anim (10,263) siya sa assist at pangsampu sa steal.
Yaka pa raw mapunta sa No.4. Maari lagpasan si Mark Jackson sa No. 5 (10, 334) at maunahan si Steve Nash sa numero 4 (10,335). Bale 72 pa.
Sa steals naman pwede pa mapuwesto sa pangsiyam mula sa numero diyes ( 2169) at ungusan si Clyde Drexler (2207). 39 na lang yan.
Talagang mapalad tayong maganap ang mga ito sa ating panahon.
Greatness sa ating harap.
***
Bumoto tayo kahapon sa NBA All-Star Voting. Heto ating mga napili.
Sa West ang first five natin ay sina LeBron James, Anthony Davis, Nikola Jokic, Steph Curry at Luka Doncic.
Sa East naman ay narito ating gusto. Giannis Antetokounmpo, Joel Embid, Kevin Durant, Donovan Mitchell at Kyrie Irving.
Pinapayagan pang umulit nguni’t hindi na natin gagawin yan at baka masanay tayo sa ganyang siste sa tunay na halala sa Pinas. Hehe.
Uubra rin kayo makibahagi. Log in lang sa nba.com.
***
May intriga sa hindi pagpirma muli ng kontrata ni Coach Topex Robinson sa Phoenix. Bale limang taon doon ang dating pointgiard sa koponan ni Dennis Uy. Tatlo bilang coaching staff at dalawa naman na H.C..
Nagtataka si Pepeng Kirat na aayawan mo ang isang trabaho na ang sahod ay nasa P400K tapos wala ka naman siguradongpupuntahan. Baka may hindi isinisiwalat ang ex-Stag sa publiko hinggil dito.
Ang kanyang assistant na si Jamike Jarin na mahusay din naman ang hahalili. Malawak na rin karanasan niyan.
Ayon pa kay Robinson ay maigi raw at si Jarin ang papalit sa kanya. Mainam daw na iisa lang halos sistema nilang dalawa.