Advertisers

Advertisers

Vhong ‘di napigilan ang pag-iyak sa pagbabalik sa ‘It’s Showtime’

0 194

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGBALIK na sa It’s Showtime si Vhong Navarro noong Lunes, January 16. At hindi niya napigilan ang mapaluha sa pagbabalik niyang ‘yun sa kanilang noontime show.
Matatandaan na mahigit apat na buwan ding hindi napanood si Vhong sa nasabing noontime show matapos makulong sa NBI detention center noong September 19, 2022 at sa Taguig City Jail dahil sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo.
At nang pansamantala siyang makalaya before Christmas dahil nag-bail siya ng 1million, sa kanilang bahay muna namalagi ang comedian-TV host.
Nang magsalita na si Vhong sa harap ng camera, sinabi niya na pangako niya sa sarili na hindi siya iiyak sa muling pagtuntong sa stage ng It’s Showtime.
Pero aniya ay hindi niya ito natupad dahil hindi nga niya napigilan ang maiyak habang bumabati sa madlang pipol.
“Share ko lang din konti. Pagpasok ko dito sa ABS, sabi ko ayokong umiyak, ayokong umiyak. Kasi ito ‘yung pangalawang bahay ko, e.
“Dito, kung anuman ang pinagdaraanan mo sa buhay, tanggap ka rito. Dahil ito ‘yung mga kapatid ko e, ito ‘yung pamilya ko. At kasama roon ang madlang pipol, extension kayo ng pamilya namin.
“Kaya lang, pagdating ko dito sa backstage, wala e, talagang bumabagsak talaga siya, e,” simulang pahayag ni Vhong.
Patuloy niya,“Ang sarap ng pagtanggap niyo sa akin. Hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan. Sa mga taong nagdasal, naniwala at hindi ako iniwan.
“Hindi kasi ako nanood ng Showtime mula noong nasa loob ako kasi ayokong makadagdag na… nami-miss ko kasi kayo. Ayoko… nalulungkot ako lalo kaya iniiwasan ko na manood.
“Sabi ko, manonood na lang ako kapag nakalabas ako. Kaya lang, paglabas ko, hindi ko pa makakaya pala na bumalik agad kasi may mga proseso na kailangan.
“Pero mabait ang Panginoon. Talagang hindi Niya ako pinabayaan kaya nandito ako uli.
“Maraming salamat sa ABS-CBN dahil meron pa rin akong trabaho at nandito pa rin yung pamilya ko.”
Samantala, nagkuwento rin si Vhong tungkol sa mga naging karanasan niya habang nasa loob ng NBI detention center at sa Taguig City Jail.
“Kapag nandoon ka pala sa loob, ang hirap kasi nakita ko ang mga kasama ko roon, yung inmates ko sa NBI at sa Taguig, naawa ako du’n sa mga walang dumadalaw sa kanila.
“Yung iba, iniwan na ng pamilya at yung iba, parang katulad ko na wala naman ginawa pero nandoon.
“Ite-test ka talaga ni God kung ano yung faith mo sa kanya. Kaya sabi ko kay Kuya Ogie (Alcasid), yung hope at faith, dapat magkasama yan.
“Hindi puwedeng isa lang diyan, mas mataas. Dapat parehas at pantay. So, kumapit ako sa Panginoon.
“Kumapit ako sa asawa ko, sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga taong nagdarasal at naniniwala sa akin kaya patuloy akong lumaban na malagpasan yung mga problemang pinagdaraanan ko,” sabi pa ni Vhong.
***
BOY ABUNDA MUNTIK NA MAGING HOST NG MISS U 2023
KINUNSIDERA pala na maging host ng 71st Miss Universe pageant ang King of Talk na si Boy Abunda. Ito ay kinumpirma mismo ng award-winning TV host sa isang media conference na ginanap nitong nagdaang Sabado ng gabi.
Aniya, nag-umpisa ang negosasyon sa kanila ng Miss Universe Organization noon pang Nobyembre.
Kwento ni Kuya Boy sa naganap na presscon para sa bago niyang show sa GMA 7 na “Fast Talk With Boy Abunda,“Yes, I was officially offered to anchor Miss Universe.
“Pero I think they decided to have an all-female hosting team but the e-mail negotiations started November 1.”
Nagkasabay-sabay rin kasi ang offer kay Kuya Boy, pati na ang kanyang paghahanda sa bagong programa kaya dumating sa point na inatrasan na niya ang alok ng nasabing international pageant.
At kalaunan nga ay ginawa nang all-female ang hosting team sa katatapos lang na kompetisyon.
“Dumating kami roon sa kontrata, malapit na sana e, until it came to a point when ang dami na naming schedules we’re doing press conferences, we’re doing pictorials and etc. So I have to write it back,” paliwanag ng veteran TV host at talent manager.
“Pero dumating ‘yung panahon na hindi ko na talaga kinaya. My letter was, ‘I’d love to do this sometime in the future in the next years or so, etc. etc,” aniya pa.