Advertisers

Advertisers

Pagcor ‘nabudol’ o nagpabudol sa P6-B contract?

0 215

Advertisers

SA isang Senate inquiry tungkol sa kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) nitong Lunes, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na “nabudol” ang PAGCOR sa P5-billion contract sa 3rd-party auditor na Global ComCRI.

Bogus daw itong Global ComRCI. Mga peke ang dokumento, walang address, walang opisina, hindi nagbabayad ng tax, etc…

Kung bugos itong Global ComRCI, aba’y malamang na mali-mali rin ang mga detalye ng auditing nito sa POGO na ibinibigay sa PAGCOR.



Kung nabudol nga nito ang PAGCOR, isa lang ang ibig sabihin nyan, mga tanga ang abogado ng PAGCOR.

Pero hindi ako naniniwala na pang-notaryo lang ang mga abogado ng PAGCOR. Aba’y karamihan sa kanila ay produkto ng mga pangunahing law schools sa bansa tulad ng UP, Ateneo, La Salle at San Beda. Mga brilliant ito. Tama ba ako, Atty. Sanosa?

Oo! Surely hindi nabudol ang PAGCOR ng kanilang 3rd-party auditor sa POGO, maari pang sabihin nating nagbulag-bulagan lang sila sa ngalan ng naglalaway na cash-sunduan. Say nyo, PAGCOR Chair Alejandro Tengco?

At kahit pa siguro sabihin ng mga abogado ng PAGCOR sa kanilang “boss” ang kanilang nasilip na mga mali sa 3rd-party auditor ay wala rin silang magagawa kung mismong ang kanilang tserman ang may gustong kunin ang serbisyo ng Global ComCRI. Mismo!

Sa nabuking na katiwaliang ito, hahayaan nalang ba ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na manatili parin sa puwesto ang kanyang mga itinalagang opisyales na ito sa PAGCOR? At palalagpasin nalang ba niya ang panlolokong ito ng 3rd-party auditor? Aba’y bilyones na kuwarta yata ang nawala sa gobyerno sa kalokohang ito? Dapat sipain kaagad at kasuhan ang mga taong responsable sa budol contract na ito, Mr. President!



***

Sabi ni Department of Transportation (DoTr) SecretaryJaime Bautista, ipapa-privatize ng gobyerno ang NAIA.

Pero sabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., walang ganung plano ang kanyang administrasyon. Ngek!

Hindi siguro nakikinig itong si Bautista kapag nagpulong sila ni PBBM. Gurang narin kasi. You know…

Sabi ni PBBM, naghahanap sila ng foreign firm na magma-manage sa NAIA traffic, para hindi na maulit ang nangyari noong unang dalawang araw ng taon na nakansela ang mga flight dahil sa pumalyang communications system.

***

Isinusulong ngayon ng bagong Defense Secretary na si Carlito Galvez, Jr. ang paglusaw sa batas na nagbibigay ng “fixed term” na 3 years ng AFP Chief.

Tama si Sec. Galvez sa hakbang niyang ito. Ito’y para mabigyan din ng pagkakataon ang mga next in rank na mamuno sa sandarahang lakas ng Pilipinas.

Ang dating mandatory retirement age ng mga miyembro ng AFP ay 56 anyos. Pero dahil sa ipinasang batas, RA 11709, during Duterte administration, ginawang fixed 3 years ang Chief of Staff, Vice Chief, Deputy Chief, at major commanders ng Army, Airforce, Navy pero puwede i-terminate ng Presidente.