Advertisers

Advertisers

Xian kinikilig pag tinatawag na ‘direk’

0 123

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

KILALA si Xian Lim bilang isang magaling na actor. Katunayan, nanalo na siya ng kanyang first acting award bilang best supporting actor para sa pelikulang “Ëverything About Her” para sa 2016 PMPC Star Awards for Movies.
Napansin din ng mga kritiko ang kanyang pagganap sa out-of-the box character niya sa drama thriller na “Untrue”.
Noong namang 2019, pinatunayan niya ang kakayahan bilang direktor sa Cinemalaya movie na “Tabon” na para sa kanya ay isang very personal film.
Sa taong ito, ibang challenge naman sa kanya ang dala ng pinakabago niyang obrang “Hello Universe” na isinulat niya at idinirek.
Paliwanag niya, isinulat daw niya ang magical fantasy for a wider audience.
Naging inspirasyon din daw niya sa paggawa ng pelikula ang buhay niya, ang kanyang pamilya at ang mga taong nakasalamuha niya while growing up.
Prior din daw kasi niyang mag-showbiz, pangarap daw talaga niya ang maging isang basketball player na pinapaksa rin sa pelikula.
Pag-amin pa ng chinito actor, bagama’t mahal niya ang pag-arte, mas nae-excite raw siya bilang isang direktor.
“Mas nakakakilig kasi na marinig na tinatawag ka na “Direk.” Actually, ever since naman na nagsimula ako sa showbiz, gusto ko nang maging director. Kaya nga, while working with my directors, nag-oobserve talaga ako para matuto,” aniya.
Iba rin daw para sa kanya ang fulfillment ng pagiging filmmaker.
“Pag director ka, as captain of the ship, you have to oversee everything. From pre-production, sa shooting then sa post-pro. It’s also very fulfilling to be a part of the collaborative process. Challenge siya dahil nakasalalay sa mga kamay mo on how to interpret and realize your vision for the film,” paliwanag niya.
Sa pelikulang “Hello Universe”, binigyan din daw niya ng free rein ang kanyang actor na isabuhay ang kanilang roles.
Katunayan daw sa dami ng jokes sa pelikula, inabot daw ng tatlong oras ang rough cut nito.
Gayunpaman, nagawan daw niya ng paraan na i-compress ito into one hour and forty minutes na hindi nagsu-suffer ang kuwento nito at pati na ang kalidad ng pelikula.
Ang movie na isinulat at idinirehe ni Xian ay nagtatampok kina Janno Gibbs, Anjo Yllana at Benjie Paras.
Ang pelikula ay isang magical fantasy tungkol sa kuwento ng isang lalakeng nahaharap sa midlife crisis na nabigyan ng pagkakataong ire-write ang kanyang buhay.
Inspirasyon daw niya sa pagsulat ng kuwento ang buhay niya, ang kanyang pamilya at ang mga taong nakasalamuha niya while growing up.
Palabas na sa mga sinehan sa Enero 25, kasama rin sa cast sina Maui Taylor, Sunshine Guimary, Gene Padilla at marami pang iba.