Advertisers
MASIKIP ang iskedyul ng national karate team ngayon taon,magsimula sa Southeast Asia Karate Federation (SEAKF) Championship na gaganapin sa Ninoy Aquino Stadium sa Marso 17-19.
Inaasahang ipaparada sa tournament ang region’s cream of the crop na sasabak rin sa SEA Games na gagawin sa Cambodia sa Mayo 5-17.
“More or less, the SEA Games players will be there at the SEAKF Championships. But they (countries) can also hide their players if they want,” Wika ni Karate Pilipinas president Richard Lim sa panayam Miyerkules.
Pangungunahan ni Filipino-Japanese Junna Tsukii, ang world No.3 at 2022 World Games gold medalist sa minus 50kg.category, ang kampanya ng bansa sa parehong kumpetisyon.
Ang 31-year-old na nakabase sa Japan ay nakatakdang lumahok sa first leg ng Karate 1 Premier League sa Cairo,Egypt sa Enero 27-29 bago pumunta sa Pilipinas.
Samantala, ang national Karatekas ay nagsasanay dalawang beses sa isang araw, limang beses sa isang Linggo sa Philsports sa Pasig,City.
Mayron silang bagong coach, Turkish Levent Aydemir,na pumalit sa kababayan Arpa Okay.
Si Aydemir ang nagsilbing Turkey’s national team coach mula 2009 hanggang 2022.Hinawakan rin nya ang deaf national team (2012-2022) at ang Kuwait national team (2001-2008).
Sa 2020 Tokyo Olympics, Ang Turkey ay nagwagi ng apat na medalya- 1 silver mula kay Eray Samdan (men’s kumite minus 67kg) at 3 bronze medal galing kay Ugur Aktas (men’s kumite plus 75kg). Ali Sofuglo (men’s kata) at Merve Coban (women’s minus 61kg).
Si Aydemir ay nasabik na makatagpo ang Filipino players na sumama sa team praktis isang araw bago dumating sa Manila noong Enero 17.