Advertisers

Advertisers

Smugglers at consignees tukoy na pero ‘di ginagalaw

0 236

Advertisers

MULING pinangalanan ng isang kongresista ang mga notoryos na smuggler pati ang consignees sa pagdinig ng House Committee and Ways.

Ang mga naturang smuggler ay paulit ulit naring tinukoy sa Senate inquiries tungkol sa agriculture smuggling.

Pero bakit patuloy paring namamayagpag ang mga smuggler na ito?, labas-pasok pa ang mga ‘yan sa mga tanggapan ng mga opisyal ng Bureau of Customs. Yes!



Sa pagdinig ng House Committee and Ways nitong Lunes, diretsahang pinangalanan ni Sultan Kudarat Congressman Horacio Suansing, Jr. ang mga smuggler na karamihan ay Filipino-Chinese: Ito’y sina Michael Ma, Lujene Ang, Andrew Chang, Beverly Peres, Aaron, Manual Tan, Leah Cruz, Jun Diamante, Lucio Lim, at Gerry Teves

At ang mga consignee naman: Victory JM Enterprises, Taculog International Consumer Goods Trading, Asterzenmed Aggregates Trading, Veneta Consumer Goods Trading, Lalavy Aggregates Trading, Frankie Trading Interprises, Primex Export-Import Producer, SB Express Logistics Business Solution, Silver Pop Dry Goods Trading, Thousand Sunny Enterprises, Viogelas Viol Aggregates Trading, Junezone Dry Goods Trading, at Burias Jang Consumer Goods Trading.

Ang palaging kaso ng mga ito ay “misdeclared” at “underdeclared”.

Pero sa kabila ng napakaraming beses nang nahuli ang mga kontrabando ng mga ito ay hindi manlang sila nakulong o na-ban sa Customs. Ang sagot: Kung ano ang nasa isip nyo, yun din ang nasa isip ko. You know!!!

Kung ang taga-BoC naman ang tatanungin, hindi nila kilala ang naturang mga smuggler. Fuck!



Ang smuggling ay hindi mangyayari kung walang kasabwat na mga opisyal ng Customs at ng mga opisyal ng gobyerno. Mismo!

Ilang beses na bang nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado at Kamara sa smuggling?, paulit-ulit nang pinangalanan ang mga smuggler, pero walang nangyari! Ang nangyayari ay nagkakapera lang ang mga nag-iimbestiga. Boom!!!

***

Sabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., kukunin uli nila ang serbisyo ni dating DSWD Secretary Erwin Tulfo. Gusto raw niya ang mga ginawa nito sa DSWD. Kaso na-bypass si Erwin ng Commission on Appointment dahil sa isyu ng American citizenship at conviction sa Libel.

Ang tanong: Tatanggapin ba ni Erwin ang alok ni PBBM matapos itong sabihan ng kanyang kuya Ramon Tulfo na: “Bakit ka magtatrabaho sa weakling President?”. Ouch!

Ang aking kumpare, isa ring mediaman, na naging Usec sa isang ahensiya ng nakaraang Duterte administration at natalaga rin sa isang mataas na puwesto sa Marcos, Jr. administration pero trinabaho para maalis sa puwesto ay hinding hindi na raw babalik sa gobyerno. Nakaka-stress daw, daming pasaway. Magnenegosyo nalang daw siya. Good!

***

Pinag-iingat ang Malakanyang sa pagtanggap sa mga dating opisyal ng nakaraang mga administrasyon na gustong makabalik sa gobyerno. Karamihan sa mga ito ay nakasuhan ng katiwalian. Kaya careful careful, Exec. Sec. Bersamin…