Advertisers
HAWAK na ng mga awtoridad sa Kuwait ang 17-anyos na pumatay sa Pinay na domestic worker na si Jullebe Ranara.
Noong araw ng Linggo natagpuan ang sunog na katawan ni Jullebee sa isang disyerto na huling nakontak ng kaniyang pamilya gabi ng Biyernes.
Ibinunyag ng ina ng OFW na nirereklamo ni Jullebee ang anak ng kaniyang employer na lalaki na malupit sa kaniya at minsan nang pinagbantaan ang kaniyang buhay.
Sinabi naman ni Secretary Susan Ople ng Department of Migrant Workers (DMW) na tinitignan na ng pamahalaan ang magiging liability ng menor de edad na salarin.
Samantala, inihayag din ni Ople na magbibigay ang pamahalaan ng death at burial assistance, mandatoryong insurance at scholarships sa naulilang apat na anak ni Jullebee.