Advertisers
Nais ng Usapang HAUZ na kalampagin ang atensiyon ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Department of Labor and Employment (DOLE) at maging ang Social Security System (SSS) dahil sa sangkaterbang mga fixers ang siya ngayong nagpapaikot sa mga transaksiyong dapat ay mga lehitimong empleyado ng nasabing tanggapan.
Mayroong lumapit sa Usapang HAUZ upang ibulgar ang milyong pisong anomalyang transaksiyon sa pagitan ng sinasabing empleyado ng SSS, DOLE at POEA na siyang kasapakat ng mga fixers para mabuksan ang database ng mga nasabing tanggapan nang sa gayon ay makuha ang detalye ng mga empleyadong nais mag avail ng mga benepisyo.
Sa paliwanag ng source ng Usapang HAUZ na minabuti nating huwag pangalanan para sa kanyang kapakanan at kaligtasan, ang modus operandi ng isang nagngangalang Elizabeth Napal (alias Elisse) na siya umanong “Fixer Queen na siya ring may contact sa kasabwat nitong mga empleyado ng SSS at DOLE kung kayat madaling naaaprubahan ang benipisyo.
May benipisyo kasing nakalaan ang SSS para sa mga unemployed sa mga nasibak sa trabaho, nakabalik at muling natanggal na merong malaking naihulog habang sila ay nagta-trabaho.
Dito na pumapasok ang grupo nitong si Alias Elisse na kasabwat ang isang nagngangalang Katrina Joyce Terbio at Deborah Songsong na umano’y naka assign sa SSS kung kaya’t lahat ng mga natanggal sa trabaho na may kumpletong hulog ay kanila itong inaalok ng madaliang benipisyo na may kapalit na parte sa makukuha ng mag a-avail ng unemployed benefits.
Hindi naman mabubuo ang transaksiyon kung walang aprubal ang DOLE na nagpapatunay na talagang natanggal sa trabaho halimbawang ang pangalan ay Juan dela Cruz kung kaya’t agad na babalik ang transaksiyon sa SSS at instant approval ang benefit, subalit sakaling tumangging ibigay ng claimant ang hinihinging halaga ng sindikato ay sari saring pagbabanta ang gagawin kasama na ang pag loan ng malaking halaga dahil kaya nilang buksan ang file maging ang SSS number nito.
May transaksiyon ding hindi naman natanggal sa trabaho ang kanilang inalok ng SSS benefits at pinalabas ng grupo ni Eliz na natanggal ito sa trabaho na mismong ang tanggapan ng DOLE ang siyang nagpatunay na nasibak sa trabaho ang claimant at kahit hindi dahil dito ay agad na nakuha ang benipisyong Unemployed benefits ng miyembro.
Bilang patunay nagpadala ng message ang SSS kay Ms. NAPAL na eto ang nilalaman,
Dear, Ms. Napal. Benefit claim Application to SSS, Please take note of the following transaction number UBMW-8032022120875084 preferred DOLE/ POEA/ POLO field/ Regional Office Manila. Malinaw na malinaw na itong si Napal ay may direct access sa SSS samantalang ito ay hindi naman empleyado.
Bukod sa local employee na binibiktima ng sindikato ay mayroon ding kakayahan ang grupo ni Eliz na pati ang mga natanggal sa trabahong OFW ay kanila na ring pinasok ito ay ang pagkakaroon din ng access sa database ng POEA.
Bakit kaya hindi gayahin ng POEA SSS at DOLE ang ginawa ng LTO na pinahuli nito ang King of Fixers sa kanilang tanggapan na dating empleyado na si Alfredo De Leon na ngayon ay himas rehas na, hiniling ng korte na pansamantala itong makakalaya sakaling makapag piyansa ng P1.3 milyon.
Kaya ang panawagan ng Usapang HAUZ at ng libong bilang ng mga nabiktima ng sindikato kina DOLE Secretary Bernard Olalia maging kay Commissioner Bienvenido Laguesma, POEA Administrator Alexander Asuncion at SSS Commissioner Jose C Julio ang mabilisang aksiyon para sa ikabubuwag ng sindikato sa inyong tanggapan pati na rin ang inyong mga kawani na kumakanlong sa mga ilegal na gawain, kung kinakailangang palitan Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ay dapat palitan tulad ng pagpalit nyo po kay NIA Administrator Benny Antiporda.
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036