Advertisers

Advertisers

TULOY-TULOY ANG SERBISYONG TOTOO SA MAYNILA

0 212

Advertisers

BAKIT nga ba hindi umaasenso o umaangat ang ating bansa?

Noon at ngayon, ano ang ugat ng kahirapan at mabagal na pag-asenso ng Pilipinas?

Bakit isinisisi ng mga lider ng bansa natin — noon at hanggang ngayon — na umano liability ng pamahalaan ang pagdami ng tao sa Pilipinas sa kahirapan natin?



Noong kakaunti pa ang bilang ng mga Pinoy, mayaman ba tayo o naghihirap din tulad ngayon?

Mula nang panahon nina dating Pangulong Ramon Magsaysay, hanggang umabot sa panahon ni Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos, Sr. at iba pang naging pangulo natin, nagawa ba nilang maiangat ang bansa natin?

Lahat ng katanungang ito, hanggang ngayon sa panahon na ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ay patuloy na hinahanapan ng solusyon, bakit hindi o ayaw umangat ang Pilipinas?
***
Tanong ng mga tsismoso at tsismosa, kaya raw ba naririto ang maraming Intsik sa bansa ay upang kumuha ng maraming national security information upang madali tayong masakop kung dumating ang pagkakataong gawin ito?

Bukod dito, bunga ng malaya at walang problemang pagpasok ng maraming Chinese sa bansa, hindi malayong ipalagay na marami sa kanila ay mga fugitive from justice o mga kriminal na handang maghasik ng lagim dito sa bansa natin.

Kaya importanteng baguhin na natin ang polisiya sa masyadong “pagkiling” sa China — na hindi naman “kaibigan” ang pagturing sa atin, at bakit po natin inirerekomenda na baguhin ang pakikitungo sa China?



Hindi po kinikilala ng China ang hatol ng International Court sa Hague na atin ang mga isla sa West Philippine Sea (WPS), at iba pang isla na sakop ng ating economic zone.

Sa dami na ng mga instalasyong pandagat at military na itinayo na ng China sa WPS ay tila nagising na ang US sa mahimbing na pagkakatulog dahil ito ay kanilang ikinabahala at lumikha ng malaking tensyon sa kanila.

Tama ang posisyon na makipagkaibigan tayo sa China, pero kailangan na magpakita tayo ng tapang at malakas na pagtutol at pagkondena sa hindi parehas na trato ng pagkakaibigang ibinibigay natin sa bansang Tsina.

Kailangan marahil Mahal na PBBM na magtaas na tayo ng boses laban sa China.

‘Wag po nating ipakita PBBM na wala tayong buto, gulugod at bayag kontra China, period!
***
Uulitin po ng pitak na ito, mas magiging mahusay ang ating mga pinuno sa pamahalaan kung atin silang tutulungan at susuportahan.

Atin pong tandaan, normal na tao rin ang Pangulo at mga kasama niya sa Gabinete, sila ay nagkakamali at hindi perpekto.

Hindi po sila si Superman na kayang gawin ang lahat ng ating naisin.

Magagawa lamang ng Pangulo at ng mga kasama niya ang naisin natin, kung sila ay ating tutulungan at pagkakatiwalaan.

Tama na sila ay ating punahin at batikusin, pero ang siraan ang personal na wasakin sila, tayo ang higit na masasaktan.

Ating pakisamahan ang matitinong pinuno, ating punahin ang tiwali at sila ay parusahan.

Pero ang lahat ay gawin sa paraang propesyonal at hindi dahil sa kalaban sila sa politika.

Anomang atake at suporta sa pangulo ay ginagawa natin sa ating sarili at sa kapwa natin Pilipino.

Sana nga, mas may makikitang tayong pag-unlad sa panahon ngayon ni PBBM, at hindi ang pambobola at panliligaw sa sambayanang Pinoy.
***
Sa Maynila, ang mga lolo, lola, solo parent PWDs ay tuloy-tuloy na naibibigay ang kanilang social pension, mga gamot at iba pang serbisyo.

Walang naiiwanan, lahat ng mga Queen-ager, lahat ng King-ager na Manilenyo, may mga pension.

At para matiyak na lahat ay natatanggap ang financial assistance, ipinaayos at ipina-update ni Mayora Maria Sheilah Honrado “Honey” Lacuna-Pangan ang listahan ng SCs, PWDs at solo parents.

Inaasikaso agad ang mga may problema sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).

Sa Maynila ay binibigyan rin ng trabaho ang mga “diablo” (Jobless), at mga tambay sa kanto sa bilin at utos ni Mayora Honey sa Public Employment Service Office (PESO) na magdaos sa tuwina ng Job Fair para may chance na sila ay magkatrabaho.

‘Yung mga estudyante o mga di-na-nag-eeskuwela, ginagawan lagi ng paraan ng PESO para sila ay mahanapan ng pagkakakitaan.

Ganyan sila sa Maynila. Tuloy-tuloy ang serbisyong totoo para sa magandang kinabukasan ng mamamayan at ng gobyerno ng Maynila.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.