Advertisers

Advertisers

NAIA ASSETS, MANANATILI SA GOBYERNO – DOTR CHIEF

0 156

Advertisers

NILINAW ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista nitong Martes, Enero 24, na mananatili sa gobyerno ang mga asset ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na ang pangunahing gateway operations ng bansa ay pangasiwaan ng pribadong sektor sakaling isulong ang mga planong pagsasapribado sa nasabing paliparan.

Tinugon ni Kalihim Bautista ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang plano ang gobyerno na isapribado ang pangunahing paliparan ng bansa, na ipinaliwanag na ang mga operasyon ay pamamahalaan lamang sa pamamagitan ng isang kasunduan sa konsesyon.

“Ang ibig sabihin ng Presidente, hindi naman natin ibibigay sa private sector yung assets ng NAIA.” “Ang ibig niyang sabihin, it’s the private sector who will manage the operations through a concession agreement,” ayon sa transport chief



Ang kasunduan sa konsesyon ay magsasaad na bukod sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng paliparan, palalawakin at i-upgrade din ng pribadong sektor ang mga pasilidad ng paliparan upang maihatid ang kinakailangang antas ng serbisyo (LoS) at makapagbigay ng pinabuting serbisyo sa mga pasahero at iba pang gumagamit ng paliparan.

Bukod dito, lahat ng improvements at upgrades na ginawa ng pribadong sektor ay pag-aari din ng gobyerno. Sa pagtatapos ng concession period, ibabalik ng pribadong sektor sa gobyerno ang pamamahala sa mga operasyon ng paliparan.

Binanggit ni Secretary Bautista ang mga kaso ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) at Clark International Airport (CRK) na parehong pinamamahalaan ng pribadong sektor sa pamamagitan ng concession agreement.

“Yung asset ay nanatili sa gobyerno, pero yung operations ay nasa pribadong sektor,” paliwanag ni Bautista

“Sa Cebu, [the airport] is operated by GMR-Megawide, although yung asset talaga is an asset naman ng gobyerno, so hindi naman na-privatize yung infrastructure.” “Katulad din ito sa mga operasyon ng Clark International Airport,” dagdag pa ng opisyal. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">