Advertisers
Arestado ang isang tricycle driver nang makumpiskahan ng mahigit P500,000 halaga ng shabu sa Batasan Hills, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si William Santos, na dinakip ng mga operatiba ng QCPD Station 6 sa isang buy-bust operation Miyerkoles ng gabi.
Sa report, nadakip na rin si Santos noong 2018 dahil din sa pagtutulak, at kalalaya lamang noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Nakuha mula sa suspek ang nasa 75 gramo ng shabu, buy-bust money at cellphone.
Giit ng suspek, walang nakuha sa kaniyang droga.
“Ipinatong lang nila sa akin lahat ng mga ano na ‘yan eh,” sabi ni Santos.
Pero ayon sa pulisya, lehitimo ang kanilang operasyon at nagsagawa sila ng case build-up at surveillance.
Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.