Advertisers
KINONTRA ng Ukraine ang pagpayag ng International Olympic Committee (IOC) na makapaglaro sa 2024 Olympic Games sa Paris ang mga atleta ng Russia at Belarus.
Ang nasabing desisyon ay base sa ginawang pagpupulong ng IOC members, global network of athletes representatives, International Federations at National Olympic Committee.
Saad ng IOC na wala dapat atleta na pagbawalan na makilahok sa mga international sporting events kahit anong uri ng kanilang pasaporte.
Mula kasi ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong nakaraang taon ay inirekomenda ng IOC na dapat pagbawalan ang mga atleta ng Russia at Belarus na makilahok at kapag lumahok sila ay dapat gumamit ang mga ito ng neutral na bandila.
Ayon sa Ukrainian Athletes at Global Athlete na sa desisyon na ito ng IOC ay nagpapakita lamang na tila sinusuportahan nila ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.