Advertisers

Advertisers

EAT YOUR HEARTS OUT…PRODUCER NG CONCERT NI TONI, KUMITA

0 195

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

BALEWALA at hindi affected ang producer ng 20th Anniversary Concert ni Toni Gonzaga sa Araneta Coliseum last Jan. 20 sa mga basher and trolls kabilang na ang namemersonal kay Toni na sina Ogie Diaz at Manang Cristy Fermin.
Pano maaapektuhan ang nasabing producer e, kumita ng milyones ang concert ng Multimedia Star. Sa katunayan ay magre-remit na ang Araneta sa mabait at God-fearing na concert producer.
Samantala, isang bagong isyu na naman ang ipinakakalat ni Manang Cristy na hate ng mga viewer niya na hirap daw makakuha ng guest na big stars si Toni sa daily afternoon talk show nito sa ALLTV Channel 2 especially sa Kapamilya Stars.
Hello, for your information, laitera at mapag-imbento ng kuwentong Cristy. Hindi naman showbiz oriented talk show ang programa ni Toni kundi reality talk show ito at ang konsepto ay kuwento ng people from all walks of life.
Mag-research muna kasi kayo ng anak-anakan mong tulad mong chaka na si Ogie Diaz para hindi kayo nakukuryente no!
***
DIREKTOR REYNO OPOSA, OWNER NA NG SHUKUFUKU JAPANESE RESTO SA QC
LAST January 29 kasabay ng 75th birthday ng tatay na actor na si Aquilino Oposa, ay soft opening ng Japanese Resto ni Direk Reyno Oposa na SHUKUFUKU HOUSE OF MAKI.
Yes, ang specialty nila sa resto ay Platter Maki and Tempura na very affordable lang ang price. At happy si Direk Reyno at after ng selebrasyon ng kaarawan ng ama ay dinumog sila ng orders sa kanilang hotline. Located ito sa Saint Nazire Academy infront of Basketball Court, Ilang-Ilang Campo, Payatas, QC. Aside sa dine-in at online orders ay tumatanggap ang SHUKUFUKU ng catering tulad ng birthday, wedding at iba pang okasyon. Para sa booking o reservation ay pwede niyong i-pm si Direk sa kanyang Facebook Accounts na REYNO OPOSA at COLLABROS PAGE.
Hindi na bago kay Direk Reyno ang negosyo dahil aside sa pagpo-produce ng movie sa kanyang Ros Film Productions ay nakapagtayo na siya ng litsong manok sa Payatas at dalawang branch ito. Natigil lang at wala nang mag-aasikaso ng business niyang ito.
Inuumpisahan na rin pala ang ipinagagawang resort ni Direk Reyno sa Surigao.
***
Online Seller Sa Japan Na Si Gor Josh, Ikinukumpara Kay Ellen Adarna
REGULAR viewer ng aming Vlog sa sarili naming Youtube Channel na PPA ENTERTAINMENT NETWORK itong aming friend na si Ms. Sephi Halili o Gor Josh Brand na kilalang Online Seller. Taga Gefuken, Japan si Gor Josh, at marami talaga ang humahanga at pumupuri sa ganda nito at kaseksihan kabilang na ang aming mga manonood sa aming Vlog.
Komento pa ng ilan ay maganda pa ito sa ibang artista at kinukumpara siya kina Kristine Hermosa at Ellen Adarna. Well, agree kami dito at kitang-kita naman ito sa kanyang mga larawan. Mga signature bags tulad ng Chanel, Hermes, Louis Vuitton, Prada at iba pang signature na kagamitan. Follow niyo si Gor Josh sa bawat online selling niya sa kanyang social media account sa Facebook at Tiktok. Sa kanyang kabaitan ay blessed si Gor Josh sa kanyang negosyo at personal life, kung saan nabiyayaan siya ng mga guwapo at artistahing anak na parehong masipag magsi-pag-aral.