Advertisers

Advertisers

UUNLAD ANG BANSA SA 100% FOREIGN OWNERSHIP

0 129

Advertisers

Magsisilbing daan at susi sa pag-unlad ng Pilipinas ang pagbibigay ng 100 porsiyento na foreign ownership sa negosyo.

Ito’y dahil lilikha kasi ito ng maraming trabaho para sa mga obrero.

Sa ganitong paraan, hindi na kailangan pang mangibang bansa ang mga Pilipino para buhayin ang kani-kanilang pamilya at pag-aralin hanggang mapagtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak.



Magtuloy-tuloy ang pagsulong ng bansa at pag-angat ng kabuhayan ng mga Pinoy.

Siyempre, lahat ay magkakaroon ng trabaho at aasenso ang buhay ng bawat isa.

Sa palagay ko, napapanahon din ang pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) pero ang probisyong pang-ekonomiya lang ang dapat galawin.

Magandang senyales naman na walang pagtutol ang economic minds sa ideya na ang Maharlika Investment Fund (MIF) ang siyang magbibigay ng kinakailangang puwersa para sa 2028 vision ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na maiangat ang kalidad ng buhay ng mga Pinoy sa middle-income level.

Kaya sa mga pagtitipon ng mga tycoons, government at business leaders mula sa apat na sulok ng mundo, kabilang World Economic Forum (WEF) na idinaos sa Switzerland, ay laging ibinibida ni PBBM ang MIF dahil hangad niyang himukin ang mga kalahok na makikinabang sila.



Well, walang mawawala sa kanila kung pipiliin nilang makibahagi sa pagsusumikap ng bansa na matamo ang tuloy-tuloy na dinamikong pag-unlad.

Kumpiyansa ang inyong lingkod na ang House of Representatives, sa ilalim ng pangangasiwa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ay maisusulong ang kinakailangang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Kung matatandaan, isiniwalat mismo ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang isang bagong bersyon ng MIF ay maaaring magbukas sa mga dayuhang mamumuhunan, kabilang ang mga kilalang multilateral na institusyon, upang gawin itong mas “private sector-driven.”

Ang paglahok ni Pangulong Marcos sa forum ay sumasalamin sa kanyang independiyenteng foreign policy nang pagpapanatili ng matalik na relasyon sa ibang mga bansa, kung saan maaari nitong palawakin ang kooperasyong pang-ekonomiya at two-way trade.

Hindi maitatanggi na ang MIF ay mahusay na pagsasama-sama ng mga pondo, kabilang ang mga dayuhang pondo, na makatutulong upang makabangon ang negosyo mula sa pagbagsak nito sa nakalipas na dalawang taong lockdown dulot ng pandemya.

Kahit noong kasagsagan ng pandemya, nagmungkahi na ang mga lider ng negosyo at eksperto ng mga posibleng pag-amyenda sa 1987 Constitution na naglilimita sa dayuhang pagmamay-ari ng lupa at negosyo sa 40% lamang at itinatabi ang iba pang 60% na eksklusibo sa mga mamamayang Pinoy o mga korporasyon.

Sa tingin ko, aba’y outdated scenario na ito.

At kahit ang ilang eksperto ay nagsasabi na ito’y walang dudang nagpabagal o nagpatigil sa daloy ng foreign capital sa ekonomiya ng ating bansa.

Isipin n’yo na lang, kung ang mga dayuhang pamumuhunan ay pahihintulutang magkaroon ng 100% pagmamay-ari ay tiyak na makikita natin ang malawakang pagpasok ng dayuhang kapital sa atin.

***

BELATED Happy Birthday pala kay MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION CHIEF POLICE LT. DENNIS TURLA (Enero 30) at Happy Birthday in advance sa aking mahal na NANAY SHIRLEY PERDEZ (Pebrero 3). Ingat po kayo palagi at God bless!

*

Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 FB page, at DWIZ ON-DEMAND sa Youtube tuwing araw ng Sabado sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, etc., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-DM sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Salamat po at stay safe!