Advertisers
Binawian ng buhay ang isang lalaki sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Harris Tatak Abdul, 42 anyos, may asawa at residente ng Barangay Tamontaka Mother Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Police Station 1 Commander Major John Vincent Bravo na nakatayo lamang ang biktima sa labas ng bahay ng kanyang tiyahin sa Lapu-Lapu Street Barangay Rosary Heights 3 ng lungsod nang biglang dumating ang mga hindi kilalang salarin at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Agad dinala ang biktima sa pagamutan ngunit binawian ito ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng CCPO-Police Station 1 sa pamamaril patay sa biktima.