Advertisers

Advertisers

NBI pinabulaan inabuso ang mag-utol na suspek sa ‘missing’ sabungeros

0 158

Advertisers

ITINANGGI ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alegasyon na umano’y sangkot ang ilang opisyal at tauhan ng NBI Task Force Against Illegal Drugs sa pag-abuso at torture sa magkapatid na suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kaugnay ito ng isinampang kaso ng ina ng dalawang suspek dahil sa umano’y torture at gawa-gawang mga kaso laban sa kanyang mga anak.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na wala pa itong natatanggap na formal complaint kaugnay ng isyu.



Gayunman, handa sagutin ng NBI ang lahat ng reklamo laban sa kanilang mga tauhan.

Tiniyak din ng ahensya na hindi makakaapekto ang kaso sa pagtupad nila ng kanilang mandato sa publiko.

Handa rin ang NBI agents na sagutin ang mga alegasyon sa pamamagitan ng legal procedure sa proper forum.

Una rito, nagsampa si Joye Manio ng criminal at administrative cases laban sa 9 agents ng NBI dahil umano sa pangto-torture ng mga ito sa kanyang dalawang anak.

Nagsampa si Manio sa Ombudsman ng kasong sexual assault, planting of evidence, domicile, torture, graft, grave coercion, grave misconduct, serious dishonesty, oppression, conduct prejudicial to the best interest of the service at sexual assault laban sa mga ahente ng NBI.



Kabilang sa respondents sina NBI-TFAID operatives Ross Jonathan Galicia, Eduardo Ramos Jr., Levi Omar Orille, Aubren Cosidon, Eigelbert Pulan, Abner Dotimas, Nestor Gutierrez, Allan Ernesto Elefante at Gary Menez.

Sa 12 pahinang reklamo, sinabi ni Manio na ang kanyang anak na sina Nicasio at Nicholes ay kinuha ng NBI TFAID noong June 2021 at pinagmalupitan habang nakaditine ang mga ito.

Nakuwento raw mismo ng kanyang mga anak kung paano sila tinorture ng mga operatiba ng NBI.

Nagigising na lamang daw ang kanyang mga anak sa tulog nang sipain, suntukin at paluin ng barrel ng rifle.

Dagdag ni Manio, pinilit din ang kanyang mga anak ng NBI TFAID para pumirma sa 14 pahinang affidavit.

Nais din ni Manio na masunspinde ang lahat ng respondents sa kanilang mga serbisyo.

Pero sa inilabas na statement, naniniwala ang NBI na ang paghahain ng kaso ay may kaugnayan sa pagsasampa ng NBI TFAIDrugs ng tatlong kaso laban sa mga anak ni Manio.