Advertisers

Advertisers

Warden facility sa Camp Bagong Diwa, sinalakay ng BI

0 176

Advertisers

SINALAKAY ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes ang warden facility sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig.

Ibinahagi ni BI Commissioner Norman Tansingco na 49 na mga operatiba mula sa intelligence division (ID) na inasistehan ng 84 na mga kapulisan at kawani ng SWAT mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nagsagawa ng surprise massive raid bandang 2:30 ng madaling araw.

“We sent a letter to the NCRPO the other day requesting their assistance in the massive raid that we are conducting,” sabi ni Tansingco.



“We are thankful that they extended their assistance and support to our efforts,” pahayag pa nito.

Ang tatlong oras na inspeksyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng mga illegal sharp objects, construction tools, cigarettes, cellular phones, laptops, modems, at di pa nadedeklarang halaga ng salapi.

Lahat ng mga nasamsam na bagay ay sinelyuhan at maingat na itinago ng BI ID.

Ang raid ay matapos na makatanggap ng ulat na may mga undeclared objects sa loob ng pasilidad.

“We also conducted a spot drug test on all BIWF employees on duty,” ayon kay Tansingco.



“All yielded negative results,” dagdag pa nito.

Mahigpit ding ipinag-utos ni Tansingco ang pagbabawal sa paggamit ng gadgets ng mga pugante sa batas.

“We will not tolerate any misdemeanor in any office of the BI,” sabi ni Tansingco

“May this serves as a warning to those who may attempt to smuggle illegal contraband inside the facility. We will be conducting numerous surprise inspections, and those who will be caught will be held liable,” dagdag pa nito.

Matatandaan na nitong Oktubre ay naharang mga kawani ng BIWF ang dalawang magkahiwalay na pagtatangka na makapagpuslit ng methamphetamine o shabu sa loob ng lalagyan ng kimchi. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)