Advertisers

Advertisers

SAKAL NG ICC

0 218

Advertisers

HUMIHIGPIT ang pagkasilo ng lubid ng International Criminal Court (ICC) sa leeg ni Rodrigo Duterte at mga kasapakat niya. Ito ay matapos ipagpatuloy ang pormal na pagsisiyasat sa walang habas na patayan sa war on drugs Nakilala siya bilang alkalde ng Davao City na walang awang pumapatay ng mga pinaghihinalaan na sangkot sa kalakalan ng droga o kaya ay lulong sa ipinagbabawal na gamot. Dinala niya ang polisiyang ito noong maluklok siya bilang pangulo. Inilunsad niya Oplan Tokhang na pumatay sa mga pinaghihinalaang adik, na ang karamihan ay bahagi ng laylayan ng lipunan.

Nang pumunta si dating senador Sonny Trillanes at dating kongresista Gary Alejano sa The Hague upang magsampa ng kaso na krimen laban sa sangkatauhan o “crimes against humanity” sa International Criminal Court, at katigan ng ICC ang kaso na nagbukas ng pormal na imbestigasyon, naging bahag ang buntot ng tinagurian kong “serial killer president.” Dahil sa kawalan ng maliwanag na datos tungkol sa mga “drug related cases,” nagsalita ang ICC na kulang ang ibinigay na datos. Dahil dito, mabilis pa sa alas-kwartong naglabasan naglabasan ang mga kasapakat at nag “to the rescue”sila. Ani DoJ secretary Boying Remulla tungkol sa sinabing kakulangan ng datos ng ICC: “Well, they’re insulting us. With many limitations as to our – to many of the things that we do in the country right now, the NBI is in the process of reorganizing… It is a capacity building exercise that we’re doing…”

Sa totoo lang walang lohika at hitik sa nerbiyos ang mga salita ng DOJ secretary dahil sa pagkakaintindi ko, iniinsulto niya ang ICC dahil sa kulang ang karanasan ng DOJ. Natawa ako kay Rodolfo Azurin Jr. Hepe ng PNP nang sabihin niya na sana irespeto ng ICC ang kapasidad ng sistema ng hustisya ng Pilipinas. Sinabi rin niya ang bansa ay may malusog at maayos na sistema ng katarungan na may mabisang pamamaraan para harapin ang anumang paglabag ng karapatang pantao sa pamamalakad ng anti-drug campaign nito. Ani Azurin, nakikipagtulungan ang PNP sa DoJ upang repasuhin ang mga kaso kung saan sangkot ang ilang naka-uniporme na napatunayang nagkulang sa anti-illegal drug operations. Pulos “motherhood statements” ang mga ito General, at isinasakay niyo lang ang madla sa “spin” ng tsubibo.



Isa pang nag “to-the-rescue” ay walang iba kundi si Juan Ponce Enrile… Ani Tito Johnny: “As the lawyer of the president, I will not allow. As far as I’m concerned, I will not recognize the jurisdiction of the International Criminal Court of Justice. They have no sovereign power over us. They will come here, if I were to be followed, I will cause their arrest…” Hay naku Tito Johnny, siguro intindihin muna natin ang pinagmulan ng ICC, ang Nuremberg Trials na sumakdal sa mga Nazi dahil sa Holocaust na pumatay ng humigit-kumulang anim na milyong hudyo, at sa wari ng mga hayop, mga taong mababa ang uri kaysa sa kanila. Siguro intindihin natin na ang banta mo na pag-aresto sa mga taga-ICC ay hindi mangyayari dahil tulad ni Slodovan Milosevic ng Serbia, at Al Bashir ng Sudan, sila ay isinuko ng kusa ng kanilang gobyerno, at walang nagawa ang mga tagapagtanggol nila.

Kaya payo sa Tito Johnny lubusin ninyo ang pagretiro at malapit na kayong mag-“centenarian.” Hindi ko mawari bakit kayo nagpipilit magtrabaho. Asikasuhin ninyo ang “plunder case” ninyo kung saan kayo naka-piyansa sa kasalukuyan. Heto ang statement ni Bong Go tungkol sa ICC: “Ayaw po nating nanghihimasok ang ibang bansa sa ating judicial system…” Maganda ang tugon ni Clive Reyes Jr: “guys, pwede pakisabi sa kanya (Bong Go) na hindi bansa ang ICC… Thanks po…” Tama ako. Kinakabahan ang panig ni Duterte at mga kasapakat dahil nararamdaman nila na unti-unting lumiliit ang mundo nila.

***

Muli po akong nananawagan, palayain na si dating senador Leila De Lima. Panalangin ko na mangibabaw sa wakas, ang katarungan na ipinagkait sa kanya sa loob ng anim na taon. Nararapat lamang ito dahil ang pansamantalang paglaya ni Gigi Reyes ay patunay na ang batas sa kasalukuyan ay kumikiling sa kasalukuyan sa mga nasa poder. Harinawa matapos na ang pagyurak na ito sa katarungan. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***



Mga Harbat Sa Lambat: “If we had any nerve at all, if we had any real balls as a society, or whatever you need, whatever quality you need, real character, we would make an effort to really address the wrongs in this society, righteously…” -Jerry Garcia, musikero, The Grateful Dead

“BBM on his frequent & frivolous trips: “Look at the ROI.” Other than empty pledges, what ROI?!? Return Of the Imbecile? Return of Injustice? #MarcosMagnanakaw…” -Jerald Acosta, netizen

“Ang daming pangarap ni BBM para sa bayan. Oi, paano ka mangangarap kung ang pagiging DA di mo magampanan ng maayos. Nabubulok ang kamatis, sana ipukol na lang sayo para tumino ka!” -Betty O’hara, netizen, critic

“A frequency is just a frequency. Content creation is a whole different ballgame. I hope they realize that the audience does not come with the frequency…” -Jing Magsaysay, brodkaster

“Sana sinauli nyo na lang frequency sa ABS-CBN. You, MV could have earned goodwill from the public. E ano na?… Nakarma ka(AllTV)…” -Ajing Abad, netizen

“Ipinipilit ninyong walang jurisdiction ang ICC sa Pilipinas. Kung wala di wala. Wala pala bakit kayo ngawngaw ng ngawngaw?…” -Eden Aguas, netizen, kritiko ng lipunan

“Maliban sa mababang IQ, a World Bank report showed that 9 out of 10 Filipino students aged 10 struggle to read simple text… ITO ANG MALAKING PROBLEMA NG PILIPINAS…” -Andy Bautista, dating pinuno ng Presidential Commission On Good Government Of The Philippines, netizen

***

Wika-Alamin: DALITA: ang ibig sabihin ng salitang ito ay kahirapan, kakulangan o paghihikahos. Sa wari ko ito ay halaw sa salitang Sanskrit na “dalit,”ang pinakamababang uri ng tao sa kasta o “caste system” sa mga Hindu.

Kapag ginamit ito sa pananalita: Ang bawat pighati at DALITA na naranasan ko sa aking buhay ang naging inspirasyon ko para maabot ko ang aking pangarap. (Salamat brainly.ph sa nenok)

***

mackoyv@gmail.com