Advertisers

Advertisers

FAQs sa Capital Report ni Mayora Honey, para iwas biktima sa fake news

0 199

Advertisers

UPANG maiiwas ang mga Manileño sa patuloy na pagkakalat ng ‘fake news’, ay isang bagong segment ang mapapanood sa regular na capital report ni Mayor Honey Lacuna kung saan sasagutin niya at pag-uusapan ang mga frequently asked questions (FAQs) o mga karaniwang tanong tuwing sila at ng kanyang mga kapartido ay may regular forum sa mga barangay.

Ayon kay Lacuna ang nasabing segment ay para sa mga karaniwang tanong at concerns na ibinabato sa tuwing nagsasagawa sila ng ‘Kalinga sa Maynila’ forum kada linggo.

Ipinaliwanag nito na ang ‘Kalinga sa Maynila’ program na inilunsad niya noong nakaraang taon ay umiikot sa lahat ng barangay upang mailapit ang serbisyo ng pamahalaang lungsod nang diretso sa mamamayan ng Maynila.



“Ito po ang aming paraan kung saan kami ay bumababa sa mga barangay para makipag-ugnayan sa mga barangay officials, senior citizens, iba’t-ibang sector gaya ng TODA, youth at NGOs,” sabi ni Lacuna.

Sinabi pa ng lady mayor na: “Mismong pamahalaan na ang bumababasa mga lugar na ito upang malaman namin ang inyong pangangailangan at ito ay matugunan.”

Naniniwala si Lacuna na ang mga residente ng lungsod ay nagtutungo sa City Hall at naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga concerns pero di alam kung saang tanggapan ito ipararating.

Sa pamamagitan ng regular forum at ng newly-added portion sa kanyang capital report, sinabi ni Lacuna siya at ang kanyang kapwa opisyal sa lungsod ay maririnig na ng personal ang mga karaingan at katanungan ng mga residente na agad din nilang mabibigyan ng tugon.

“’Yung mga kadalasang tnatanong sa ‘Kalinga’ ay gusto rin naming malaman ninyo para once and for all, di na tayo malilito. Manggagaling na rin sa amin ang paraan para makaiwas sa di maakatotohanang naririnig ninyo kung kani-kanino o fake news,” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">