Advertisers
Nasawi ang 54 anyos na mister ng mabali ang leeg nang hilutin ng manghihilot sa Brgy. Basud, Polangui, Albay.
Kinilala ang biktima na si Ferdie Conserva Pelonia, residente ng Brgy. Pistola, Oas, Albay. At ang suspek kinilalang si Chong Tian Liao, ng Brgy. Gabon, Polangui, Albay.
Sa ulat, idineklarang patay si Pelonia makalipas ang ilang linggo nang ma-comatose ito sa Tondo Medical Center sa Brgy. Balut, Tondo, Manila.
Sa ulat, 10:00 ng umaga noong Nobyembre 1 nang dalhin si Pelonia ng kanyang kay Liao para ipagamot ang nananakit na katawan.
Gayunman, nasobrahan ang pagpihit ni Liao sa ulo ng biktima dahilan para mawalan ito ng malay-tao at bumagsak sa sahig.
Isinugod ang biktima sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Ligao City pero agad dinala sa Tondo Medical Center dahil sa kritikal na kondisyon at nasawi dahil umano sa “nuerogenic shock, spinal cord injury.”
Inihahanda na ang kaso laban sa “hilot doctor” na si Liao ng pormal na magsampa ng reklamo sa Polangui Police ang mga kaanak ng biktima noong Biyernes.