Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA book 2 ng “Maria Clara at Ibarra” na ngayon ay halaw sa isa pang nobela ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang “El Filibusterismo”, maraming karakter at aktor ang nadagdag.
Halos lahat din ng mga lead karakter sa naunang season ay kabilang sa book 2 maliban na lang sa karakter ni Sisa na namatay na sa “Maria Clara at Ibarra” na ginampanan ni Andrea Torres.
Hindi man nakasama si Andrea sa ikalawang season ay nag-iwan naman siya ng malalim na marka sa televiewers at critics. Lahat ay napahanga halos ni Andrea sa kanyang malalim na akting bilang isang baliw.
Maging si Andrea man ay naiwanan ng ‘tatak’ ni Sisa to the point na tila ibig pang gawin ng Kapuso aktres na adbokasya ang pagtulong sa mga kababayan natin na may mental health problem.
“Huwag nating i-judge ‘yung mga taong katulad ni Sisa na sa panglabas kakaiba ang kilos. Kasi grabe pala ‘yung pinagdaanan niya sobrang nakakaiyak pala, sobrang tragic pala.
“At least next time ‘pag may na-engkwentro tayong gano’ng tao, mas nagiging kind tayo sa kanila or baka mas matulungan natin sila. Kaysa ‘yung parang may wall tayo agad na ‘Ayokong ma-associate sa ‘yo’ or ‘Ayokong lumapit sa ‘yo,'” say ni Andrea.
Dagdag na say pa ni Andrea na layunin niyang protektahan ang karakter ni Sisa para mabuksan ang kaisipan ng viewers na hindi siya basta isang baliw na karakter lamang na nilikha ni Dr. Jose Rizal.
***
AFTER ng “Bata Pa Si Sabel” na itinuturing ni Micaella Raz na launching movie niya ay happy ang sex nymphet na ang ikalawang movie niya ay action ang genre. Nasa bucket list kasi ni Micaella na makagawa ng maaksyong pelikula, ang “Boso Dos” kasama sina Vince Rillon at Gold Aceron, sa direksyon ni Jon Red and streaming in all Vivamax apps starting Feb.3.
Ang “Boso Dos” ay istorya ng isang baguhang secret agent who infiltrates a drug syndicate na ginampanan Micaella.
In the process, she gets entangled in a deadly love syndicate involving her, the cop who she works with played by Gold and the syndicate boss she is supposed to trap and arrest played by Vince.
“I’m happy na nakapag-action ako uli rito. After this, I will be doing a drama series naman,” say ni Micaella.
Kumusta naman kaya ang working relationship ni Micaella kina Vince at Gold, maging sa kanilang direktor?
“I’ve worked before with Vince in ‘Virgin Forest’ so magkakilala na kami. Si Gold ngayon ko lang nakasama and he’s fun to work with, the whole cast.
“Si Direk Jon Red, ngayon ko rin lang naka-work and he made sure we’re all comfortable with him. Masaya siyang katrabaho and I’m happy I got the chance to work with him. Sana maulit pa,” say pa rin ni Micaella.