Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TRENDING sa Twitter ang #MJhasDrick at #Roommate FB series, patunay lang na may following na ang bagong love team nina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar na tampok sa FB seryeng Roommate.
Ayon kay Heindrick, sobra siyang natutuwa dahil patok sa millennials ang kanilang tambalan ni Jhassy.
“Sobra akong natutuwa kasi hindi namin ini-expect na ganoon ang magiging pagtanggap ng millennials at ng viewers sa tandem namin, ” ani Heindrick.
Hirit pa niya, isa raw sa nakikita niyang dahilan kung bakit swak ang kanilang love team ni Jhassy ay dahil nagkakatugma ang kanilang mga personalidad.
“We enjoy each other’s company. We support each other. Being a jolly person, tanggap niya ang kakulitan ko. Kapag kasama namin ang isa’t isa, wala kaming dull moment,” paliwanag niya.
Tungkol naman sa clamor ng kafaneyan na mauwi sa totohanan ang kanilang love team ni Jhassy, isang pilyong sagot lang ang tugon ni Heindrick kung balak niyang ligawan ang onscreen partner.
“Siguro. Hahaha. Pero wala pang ganoon,” aniya.” Pero, girlfriend material siya, ” pahabol niya.
Sa “Roommate”, ginagampanan ni Heindrick ang papel ni Barry, isang socially challenged engineering student na may dissociative identity disorder na nagbago ang pananaw sa buhay nang makilala niya si Natasha (Jhassy) , ang kanyang college dream girl.
Mula sa produksyon ng Rems Films at sa direksyon ng acclaimed filmmaker na si Gabby Ramos (Mestizo: A Beautiful Boy” , “Pugon”, “Tukador Ni Tatang”), tampok din sa serye sina Earnest Beaver Magtalas at MJ Manuel. Kasama rin sa supporting cast sina Cassie Kim, Ella San Pascual, Russ Garcia, Carmen Del Rosario, Zita Ortiga, Matteo Samonte, Daddy Blue, at award-winning actor na si Soliman Cruz.
Si Heindrick na isang actor-model ay nakilala sa mga teleserye ng ABS-CBN at GMA-7. Gumanap siya noon bilang batang Paolo Avelino sa “The General’s Daughter”. Commercial model din siya ng Lazada at brand endorser ng Chic Corporation. Malapit na rin siyang mapanood sa pelikulang “Home I Found In You” with Jhassy as his leading lady.