Advertisers

Advertisers

Statement ng OTS sa video ng screeners na nagpi-film ng umaalis na Korean artist sa NAIA

0 172

Advertisers

NAKARATING na sa kaalaman ng Office for Transportation Security (OTS) na may nagsi-circulate na video sa social media na nagpapakita ng airport Security Screening Officers sa umanoy unprofessional behavior ng mga ito at sa unwarranted filming ng security screening procedures sa grupo ng papaalis na Korean artists sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ng OTS sa isang pahayag na kasalukuyan ng iniimbestigahan ang bagay na ito upang malaman ng naging paglabag base sa umiiral na regulasyon sa security screening protocols, kung mayron man, at upang magpataw ng kaukulang kaparusahang administratibo kung kailangan.

“While we understand the excitement brought about by the presence of these Korean artists, we remind not only our personnel, but all airport users, that unauthorized filming at our security screening checkpoints is not allowed as a matter of policy,” sabi ng OTS.



“Rest assured that the OTS shall never tolerate any unprofessional behavior towards the riding public,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)