Advertisers

Advertisers

SEAG veteran pasok sa 3rd round ng Cañiza Open

0 209

Advertisers

NAUNGUSAN ni Southeast Asian Games campaigner Shaira Hope Rivera si Jilianne Bautista,6-0,6-0, para mkarating sa 3rd round ng Rina Cañiza Women’s Open Tennis Championships sa the Philippine Columbian Association (PCA) outdoor courts sa Paco, Manila Lunes.

“It’s a good start,” Wika ni Rivera, na nagwagi by default laban kay Chelsea Roque sa first round.

Kasalukuyan siyang bumabawi mula sa anterior Cruciate ligament (ACL) surgery nakaraang Hunyo, isang buwan matapos sumabak sa Vietnam SEA Games kung saan ang women’s team ay naguwi ng bronze medal.



“This is my first tournament after the surgery so I am not expecting a lot. I’ll try to play well and see what happens,” Dagdag ni Rivera, na nagawa pa ring mangibabaw sa PCA Open doubles kasama si Alyssa Bornia nakaraang October.

Babalik sa court Miyerkules, upang harapin ang papalarin sa laban sa pagitan nina fourth seed Miles Alexandra Vitaliano at Renee Ysabella Esteban.

Iba pang firts round winner ay sina Kimi Alyana Brodeth, Mary Aubrey Calma, Jayden Reece Ballado, Mariam Yasmin Garsin, Rachel Patricia Velez, Debbie Gom-Os, Melanie Faye Dizon, Aj Acabo, Jana Jelena Nicole Diaz at wild card Chloe Marie Mercado.

May nakatayang Cash prizes PHP50,000 (singles champion), PHP25,000 (runner-up), PHP10,000 (semifinalists) at PHP5,000 (quarterfinalists). Ang top 16 ay tatanggap ng tig PHP 2,500 habang ang qualifiers ay maguuwi ng PHP 1,500.

Ang doubles champions ay paghahatian ang PHP 50,000 prize habang ang runners-up ay bibiyakin ang PHP 25,000 cash prize. Ang semifinalist at quarterfinalist ay tatanggap ng PHP 10,000 at PHP 5,000 ayon sa pagkakasunod.



Samantala, ang National Collegiate Tennis Championship ay magsisimula sa Pebrero 13,.Meanwhile, the National Collegiate Tennis Championships will begin on Feb. 13.