Advertisers

Advertisers

Ruffa nag-alala sa ex-mister na si Yilmaz sa naganap na lindol sa Turkey

0 215

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA presscon ng pe likulang “Martyr or Murderer”, nakunan ng pahayag si Ruffa Gutierrez tungkol sa lindol na naganap sa Turkey na kumitil ng
humigit-kumulang na sampung libong katao.
Ani Ruffa, nalulungkot daw siya sa nangyaring trahedya sa mga nasabing mamamayan ng bansa.
Katunayan, dumudugo raw ang puso niya dahil for sometime ay tumira rin siya sa nabanggit na transcontinental European country noong husband pa niya ang ex na si Yilmaz Bektas.
Hirit pa niya, noong mabalitaan daw niya ang news, agad daw niyang kinumusta ang ex na si Yilmaz na ama ng kanyang dalawang anak.
“I felt bad. Nakausap ng anak ko iyong daddy niya, si Yilmaz. Nakausap ko rin and, at that time, this is a few hours after the earthquake. Sabi ni Yilmaz, hindi pa niya makontak yung ibang relatives niya,” bungad ni Ruffa. “Siyempre, malaki ang nangyari sa Turkey, so please offer our prayers and condolences to those affected,” dugtong niya.
Sa panayam din sa kanya, nakunan namin siya ng pahayag tungkol sa mga bashing na natatanggap ni Willie Revillame dahil sa pagkastigo nito sa mga taong natutuwa umano dahil sa pagkatigil ng ilang programa ng ALLTV kasama na ang show niyang M.O.M.S. (Mhies on a Mission).
“Kuya Will has nine lives. I trust he’ll be fine. I don’t think he’ll suffer. Advice ko lang kay Kuya Will, enjoy life. Huwag niyang pansinin ang mga bashers. Nandiyan lang iyan. Sa tingin ko, narating na niya ang tuktok ng tagumpay. He has a good heart. Ang importante, happy siya sa pamilya niya at iyong mga natulungan niya, nandiyan lang sila at patuloy lang siyang pinagdarasal. Kaya Kuya Will, chin up. Don’t be sensitive,” payo niya.
Speaking of her role as Imelda Marcos, sobrang proud naman si Ruffa na nabigyan siya ng pagkakataon na i-reprise ang nasabing papel na una niyang ginampanan sa Maid in Malacanang.
“I consider myself lucky that I have a chance na ma-meet si Mrs. Imelda Marcos, so doon pa lang, nagkaroon na ako ng chance na mapag-aralan siya at pati iyong nuances niya,” pahayag niya.
Mula sa produksyon ng Viva Films at VinCentiments at sa direksyon ni Darryl Yap, nagbabalik din sa cast ng kontrobersyal na pelikula sina Cesar Montano bilang Ferdinand Marcos, Sr., Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos, Cristine Reyes bilang Imee Marcos at Ella Cruz bilang Irene Marcos.
Palabas na worldwide simula sa Marso 1, kasama rin sa cast sina Isko Moreno, Jerome Ponce, Kyle Velino, Cindy Miranda, Beverly Salviejo, Franki Russell, Billy Jake Cortez at Giselle Sanchez.