Advertisers

Advertisers

Libreng ECG sa libo-libong City Hall employees – Mayor Honey

0 165

Advertisers

ANG kawanggawa ay sa tahanan nagsisimula.

Dahil dito ay nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa libo-libong kawani ng City Hall na samantalahin ang libreng ECG.

Ang libreng serbisyo ay kaloob ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ng director nitong si Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan bilang Valentine offering sa lahat City Hall-based employes.



“Sa pagdiriwang ng buwan ng mga puso ay hatid namin sa inyo ng “Kalinga Sa Maynila” ang libreng ECG,” sabi ni Lacuna.

Naniniwala si Lacuna na ang malusog na workforce ay magreresulta sa pagkakaloob ng mas mahusay na serbisyo sa mamamayan ng Maynila.

Binanggit ng lady mayor ang kahalagahan ng pagaalaga sa mismong mga tao na nasa likod ng tagumpay ng lahat ng kanyang progrma upang mabigyan ang mamamayan ng mas progresibong lungsod.

Para mapabilang sa libreng health service, kailangan na siya ay 40 anyos at higit pa. Higit na hinihikayat ang may comorbity tulad ng diabetes at high blood o nagkaroon na ng heart attack o stroke.

May kabuuang 100 katao ang tatanggapin araw-araw mula February 14 hanggang February 17, 2023.



“Lahat ng kwalipikadong empleyado ay magpunta lang sa City Government Employees Clinic (CGEC) na nasa ground floor ng Manila City Hall at para sa iba pang tanong ay tumawag sa 8527-4960,” dagdag pa ni Lacuna. (ANDI GARCIA)