APAT PA, ARESTADO SA RECTO UNIVERSITY
Advertisers
Arestado ng mga tauhan ng Manila -Police District- Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang apat na indibiduwal na sangkot sa pamemeke ng dokumento sa tinaguriang ” Recto University,” kamakalawa ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 172 (Falsification by Private Individuals and Use of Falsified Documents), Article 176 (Manufacturing and possession of instruments or implements for falsification) at paglabag sa Manila City Revised Ordinance No. 8092 Sec. 123 par. o (Obstruction) sa Manila Prosecutors Office, ang mga suspek na sina Daniel Corsino,49; Jay-ar Pasco,22; Amadeo Caballes,54;at Jeson,27.
Sa imbestigasyon, alas- 3:20 ng hapon nang maaresto sa entrapment operation ang mga suspek sa isang bahay sa No. 1749 Int., Quezon Blvd., C.M Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang NEC Laptop, isang unit ng HP PC CPU,isang Canon Printer ,dalawang pekeng PWD I.D at assorted signages.
Ayon kay PMajor Edward Samonte,hepe ng SMaRT, isinagawa ang operasyon matapos ang serye ng reklamo kaugnay sa pagkalat ng mga pekeng dokumento,gaya ng lisensiya at IDs.
Una nang naaresto.ng SMaRT ,kamakailan ang anim na indbiduwal sa pamemeke ng dokumento sa Recto Avenue, Sta.Cruz, Maynila. (ANDI GARCIA/JERRY S. TAN)