Advertisers
TUNAY na nananalaytay sa dugo ni Cong.Eric Buhain ng Batangas Distrito Uno ang larangang pinakamalapit sa kanyang puso,ang swimming.
Siya lang naman ang pinaka-icon sa naturang aquatics sport at nakapaghandog na ng maraming karangalan para sa bansa.
Matapos ang kanyang patriotismo para sa ‘Pinas,lumawig pa ang kanyang buhay di lang sa larangan ng palakasan tungong lingkod-bayan kung saan ay nanombrahan siyang pinuno ng Philippine Sports Commission kasunod ay naging head ng Games and Amusement Board bago naging executive director ng Bureau of Immigration.
Dahil born leader,nahalal na Representante si champ Buhain sa Kongreso at nasa ikalawang termino na ngayon.Op kors ay nasa timon niya ang komite sa youth sport.
Dahil nasa puso niya ang swimming at may nais siyang komprehensibong pagbabago para sa pagsulong ng larangan sa bansa ay itinatag niya ang COPA.
Ang kanyang adbokasiya ay nagbubunga at narinig na ang hinaing ng swimming community para magkaroon ng pantay na pagkakataong mapili ang pinakamahuhusay na dadaan sa pagsubok at walang bata-bata sa pagpili ng best of the best.
Ngayon ay open na ang pintuan ng lahat ng oportunidad na labis niyang ikinagagalak.
Hinimok na ni swimming legend Buhain ang lahat ng Pilipino swimmers na lumabas, makiisa at lumahok sa isasagawang national try-outs ng Stabilization Committee para sa binubuong Philippine swimming team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.
Iginiit ng two-time Olympian at Southeast Asian Games record-holder na nakapanghihinayang ang pagkakataon na ibinigay ng World Aquatics sa Philippine swimming community kung babalewalain ng mga atleta, coaches at swimming club managers, gayundin ng iba pang stakeholders ang itinakdang try-outs para mapili ang mga tunay na ‘deserving’ swimmers para sa Philippine Team.
“Libre ito. For the first time after more than two decades na magkakaroon ng national try-outs na open for all swimmers, kaya hinihikayat ko ang lahat na lumahok dito. Itong nangyari sa Philippine swimming ay dapat nating ipasalamat dahil natapos na ang problema. Kalimutan na natin ang animosity, magkaisa na tayo para sa iisang layunin na magkaroon ng tunay na development sa ating sports,” pahayag ni Buhain .“Ang mensahe ko, sumali kayo, pagkakataon na natin ito. Actually, matagal na natin itong pinagdasal ay may isang anghel na sumagot sa atin at yan ang Philippine Olympic Committee (POC). Pinakingan tayo at nagkaroon ng pagkakataon. Lahat welcome, niyayakap tayo ng Stabilization Committee.
“Go there and test your abilities against the best Filipino swimmers. Sa Cambodia SEA Games, ito na ang umpisa ng inclusivity sa Philippine swimming,” sambit ng Mambabatas ng Batangas.
Sa pakikipagtulungan ng Asian Swimming Federation,nabuo ng Stabilization Committee ang selection criteria at itinakda ang National try-outs sa swimming, gayundin sa water polo at diving sa Pebrero 16-19 sa Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.
Mismong ang ASF ang nangansiwa sa training ng may 60 technical officials na siyang mangangasiwa sa tryouts.“Huwag nating sayangin ang pagkakataon. Ang importante looking forward na tayo. Nakikita na natin ang kinabukasan ng ating mga swimmers at ng sports,” pahayag ni Buhain, pangulo ng Congress in Philippine Aquatics, Inc. (COPA).
Ngayon pa lang…SALUDO na ang Pilipino kay Senator este ..Congressman Buhain… ALL IN!!!