Advertisers

Advertisers

SPEAKER CAYETANO TINAWAG NA “BADING AT DRAMA QUEEN” NI CONGRESSMAN VELASCO!

0 428

Advertisers

Nauwi na sa batuhan ng putik at kung anu-anong akusasyon ang labanan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kapwa malapit na kaalyado at supporters ng Malacanang.

Ang tila kapit-tukong stance ni Speaker Cayetano sa poder at di pagtalima sa kanilang ‘gentleman’s agreement patungkol sa napagkasunduang ‘term sharing’ bilang pinuno ng Kongreso ay nag-trigger ng pagkakawatak-watak ng dating solidong Kamara De Representante.

Noong isang linggo, nag-alok ng pagbibitiw bilang Speaker ng House of Representatives si Cayetano makaraan ang isang pagpupulong ng mga stakeholders ng nasabing gusot sa Malacanang kung saan mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang namagitan sa dalawang solon na nag-aagawan sa puwesto.



Tinanggihan ng nakakaraming bilang ng mga congressmen ang planong pagre-resign ni Cayetano sa isang botohang isinagawa ngunit agad itong sinupalpal ng mga kaalyadong mambabatas ni Velasco.

Ang proseso umanong isinagawa (voting) ay wala sa rules ng Kamara na sa halip gugulin ang mahalagang oras para talakayin ang 2021 national budget ay inaksaya lamang para sa mga ka-dramahan at pamumulitika ni Speaker Cayetano.

Tinanggal din bilang deputy speaker ang isa sa mga malalapit na supporters ni Velasco na si 1-PACMAN Partylist Rep.Michael Odylon ‘Mikee’ Romero.

Kinondena ito ng mga kongresistang kaalyado ni Velasco at sinabing ‘bengatibo’ ang klase o uri ng liderato ni Speaker Cayetano.

Sinabi ni Oriental Mindoro Representative Salvador Leachon, isa pa ring kaalyado ni Velasco na nagpakita lamang ng tunay na kulay si Cayetano sa pagpapatalsik kay Romero.



Samantala, nakikita nating kaladkad ang Palasyo ng Malacanang sa hidwaang ito ng dalawang kongresistang sina Cayetano at Velasco na parehong nagmamatigas sa kanilang paninindigan.

Inakusahan din ni Velasco si Cayetano na ‘bakla’ at di tunay na lalaki dahil sa pagtalikod nito sa kanilang ‘gentleman’s agreement sa ‘term sharing’ sa Kamara.

Tinawag pa ni Velasco si Cayetano na ‘Drama Queen’sa mga ‘antics nito sa pangunguyapit sa poder at paghingi ng simpatya at suporta sa mga miyembro ng Kongreso sa halip na puspusang maipasa ang nabalam ng 2021 national budget.

Mismong hino-hostage ng grupo ni Cayetano ang pagpasa sa budget upang mapilitang pumabor dito si Pangulong Duterte.

Una nang nagpakita ng ‘disgusto’ sa patuloy na liderato ni Cayetano si presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na lantarang sumusuporta naman kay Velasco.

Kung hindi umano kusang bibitiw si Cayetano bilang Speaker of the House sa darating na October 14, mapipilitan umanong ideklarang bakante ang posisyon ng speakership ng mga kongresistang pumapabor naman kay Velasco na unti-unti umanong lumalaki ang bilang dahil na rin sa lihim na paggapang naman ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na minsan na ring napabalitang nasa likod ng unang kudetang naganap laban sa noo’y liderato ni Speaker Pantaleon Alvarez, isang Duterte close-ally noong 17th Congress kung saan naluklok bilang kapalit ni Alvaraez si dating Pangulo at Pampanga 2nd District Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon sa ating mga sources, nagalit umano si Mayor Inday Sara sa ginawang pagtalikod ni Cayetano sa ‘gentleman’s agreement’ nila ni Velasco sa ‘term sharing’ at tinawag ng Davao City mayor si Cayetano na isang tao na walang palabra de honor at nagbibigay ng malaking sakit ng ulo at kahihiyan sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ngayong pagod na ang presidente sa mga problema ng bansa dulot ng pandemyang Covid-19.

“Wala siyang ‘balls’ ayon pa sa presidential daugther na kilalang matapang at agresibo sa kanyang mga paniniwala at prinsipyo.

Kung ganitong dalawa na sa mga anak ni Pangulong Duterte ang tila asar at banas na banas kay Cayetano, ano pa kaya ang tsansa nito na mapanatilit ang kapit sa ‘speakership’?

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com