Advertisers

Advertisers

‘MASYADONG GARAPAL SA KITA’ ANG AFPI NINA MVP AT MGA AYALA

0 341

Advertisers

MAGANDA ang nangyayari sa ating bansa kung dahan-dahan nang ipinatutupad ang konseptong “cash less”.

Matagal na ring isinusulong ang konseptong ito, ngunit labis na napakabagal nang pag-usad nito dahil maraming sagka.

Ngayong mayroong coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) ay ikinasa na ito sa pagsakay sa bus sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).



Ang tawag dito ay “automatic fare collection system” (AFCS).

Ang gagamitin dito ay beep card ng AFPI (AF Payment Inc.).

Ang sistema ng AFPI ay pinababayaran ang beep card ng P80 at magpapaload ng P100.

Ang P100 ay siyang pagkukunan ng pamasahe ng mga sasakyan ng bus sa EDSA.

Dapat manatiling mayroong P65 tirang load ang beep card.



Ang P80 na bayad sa beep card ang sentro ng reklamo at kritisismo ng napakaraming tao Negosyo ng AFPI.

Ang AFPI ay kumpanyang pag-aari ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) ni Manny V. Pangilinan at ng Ayala Corporation (AC) ng magkapatid na Jaime Zobel de Ayala at Fernando Zobel de Ayala.

Inupakan ni Atty. Jose Sonny Matula ang AFPI nina MVP at magkapatid na Ayala.

Si Matula ang pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) at tagapangulo ng NAGKAISA Labor Coalition.

Ang NAGKAISA ang siyang pinakamalaking alyansa ng mga pederasyon at unyon ng mga manggagawang Filipino sa kasalukuyan.

Ayon kay Matula, “masyado mataas ‘yong [presyo ng beep] card. Mataas pa sa load.”

Sabi ng Department of Transportation (DOTr), ayaw pumayag ng AFPI na libre ang beep card dahil wala na silang makukuhang tubo.

“Masyadong garapal ang pagnanasang tumubo [ng AFPI],” bigwas ni Matula.

“Sa unang araw ng implementasyon ng automatic fare collecting system (ACFS), nagrereklamo po ang mga manggagawa at comuters na ‘yong fare cards na ibinebenta sa bus stations [sa EDSA] at sa mataas na halagang P80 para sa beep card at P80 [uli] para sa load,” patuloy na bigwas ni Matula sa AFPI.

Ang pagnenegosyong ganito ng AFPI ay “walang kakonsiyensa-konsiyensa sa mga naghihirap na mamamayan. Naghihirap na nga [ang mamamayan], pinahihirapan pa at pinagsasamantalahan pa,” birada ni Matula.

Sabi ni Matula, sana “hindi matulog ang gobyerno rito at huwag hayaan na lamang samantalahin ang mga commuter”.